Kylie Verzosa at Maxine Medina, nagkapatawaran na nga ba?

Hindi itinatanggi ng mga beauty queen-turned-actresses na nagkaroon nang pagkakataon na nagkasakitan sila sa ilang mga eksena sa ‘Los Bastardos’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/18/2019 3:25 PM
Kylie Verzosa at Maxine Medina, nagkapatawaran na nga ba?


Nais nang tuldukan ng mga bituin ng Los Bastardos na sina Maxine Medina at Kylie Verzosa ang mainit na isyu tungkol sa kanilang pagkakairingan sa set ng teleserye.

 

 

Sa naganap na finale media conference ng programa, kapwa dumating ang mga beauty queen-turned-actresses at buong tapang na sinagot ang issue.

READ: Maxine Medina, Kylie Verzosa unfollow each other on Instagram

“Nagkaroon po kami ng eksena ni Maxine, patapos na po ‘yung show, sobrang intense na po ang mga emosyon namin ... sobrang napalakas ‘yung lahat kasi super heightened po ang emotions ko, ako kasi naka-posas ako noon at siyempre hindi po maiwasan na may masasaktan,” sabi ni Kylie.

Umabot man sa pagkakasakitan, humingi naman ng paumanhin ang dating Miss International sa kanyang pagkukulang sa kapwa aktres.

“So right after naman nag-sorry ako. Parang siguro po, nadala lang po sa eksena,” sabi pa ni Kylie.

Dagdag pa nito, malayong-malayo ang kanyang personalidad sa karakter na ginagampanan niya sa drama.

“Si Dulce po ‘yun, kaya ko nga po gusto si Dulce kasi sobrang layo niya po sa sarili ko at first show ko po ito. I’ve been only acting for a year, from bida to kontrabida sobra po ‘yung pagka-switch ng character,” paliwanag ni Kylie.

Sa usapin naman ng hindi pagtanggap ng paumanhin ni Kylie, nilinaw ni Maxine na nagkaayos na sila ng kaibigan.

“Nag-sorry naman po sa siya sa akin, four days after ng scene, siguro lesson na rin po ito na sana before natin gawin ang eksena let us talk about it, para if ever na may nangyari na hindi kanais-nais,” sabi pa ni Maxine.

“Tapos na tayo, nag-sorry na siya sa akin nag-usap na kami okay na po ‘yun sobrang okay na,” pahayag ni 2016 Miss Universe Philiipines.

Dahil sa mga nangyari, hindi itinatanggi ni Kylie na naapektuhan siya sa paglala ng isyu sa pagitan nila ng malapit na kaibigan.

“Actually nagulat po ako na lumabas ang issue na ‘to, nasasaktan po ako na hindi ko po alam na bakit ‘to nangyari, sana pala ki-nimfront nalang ako sa set if she’s feeling bad ‘di ba?”

Sa ngayon, tutok pa din sa paghahanda ang mga bida ng Los Bastardos para sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye.