• Home
  • Fresh Scoops
  • Isko Moreno, magiging bahagi ba ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Isko Moreno, magiging bahagi ba ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Palaisipan ngayon kung magiging bahagi ba ng numero unong Kapamilya series si Yorme Isko Moreno.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/18/2019 12:20 PM
Isko Moreno, magiging bahagi ba ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?


Kasunod nang napabalitang tatlong Hollywood Stars na inaasahan na magiging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano, tila palaisipan din ngayon ang naging pagkikita ni Probinsyano lead Star na si Coco Martin kay Manila Mayor Isko Moreno.

Matatandaan na kamakailan, pinagusapan ang naging pagkikita ni Coco at Mayor Isko na ibinahagi ng Probinsyano star sa kanyang Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Malaki ang paghanga ko sa taong ito!!!💪💪💪

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

Pero ayon kay Coco, “Ay! Idolo ko ‘yun e’ surprise! Kung bakit kami nagkita. Pero ako talaga ang sumadya sa kanya and humingi ako ng appointment, kasi matagal ko na siya nakasama sa isang teleserye and nakipag appointment ako sa kanya and may pinag-usapan kami,” tugon ng aktor sa naging panayam ng entertainment press sa naganap na Sine Sandaan.

Paglilinaw ni Coco, walang kinalaman sa naging pagkikita nila ng Manila Mayor sa planong remake ng isa pang FPJ’s classic movie na Batang Quiapo.

Sa ngayon, abala si Coco sa pagtapos ng isang pelikula na target mapanood ngayong darating na Pasko.