• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Andrea Brillantes, ibinida ang ‘Pearl of the Orient’ inspired niyang headdress sa 2019 ABS-CBN Ball

PANOORIN: Andrea Brillantes, ibinida ang ‘Pearl of the Orient’ inspired niyang headdress sa 2019 ABS-CBN Ball

Andrea Brillantes, aminadong kabado sa pag-attend ng ABS-CBN Ball.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/18/2019 12:32 PM
PANOORIN: Andrea Brillantes, ibinida ang ‘Pearl of the Orient’ inspired niyang headdress sa 2019 ABS-CBN Ball


Isa sa mga inabangan na love teams ang tambalan nila Andrea Brillantes at Seth Fedelin sa naganap na ABS-CBN Ball nitong Sabado, September 14. Sa interview ng dalawa para sa PUSH Bets Live, ibinida ni Andrea ang natatanging gown at hairdress na isinuot niya.

"Since ang kulay ng taon ay coral, yun na rin ang pinagawa ko. And sa hair ko naman nagpalagay ako ng pearls kasi yun ang tawag sa Pinas, the Pearl of the Orient," paliwanag ni Andrea.

Panoorin ang buong interview dito:

Ayon kay Andrea taun-taon niyang inaabangan ang nasabing event kaya't kinakabahan siya sa pagdalo niya ngayong taon.

"Kinakabahan, as in kinakabahan ako. Yun lang talaga nararamdaman ko, kasi ang tagal ko nang artista so lagi kong inaabangan yung Ball every year, so parang nakakapanibago na kasama na ako sa rarampa," pahayag ni Andrea.

 

 

READ: Kyle, Andrea, Seth, Francine to star in back-to-back rom-com movies

Kasama ni Andrea bilang "date" ang kaniyang ka-tambal sa seryeng Kadenang Ginto na si Seth. Aabangan ang kanilang tambalan sa pagbibidahang digital movie na Wild Little Love sa iWant.