Jake Cuenca, Kylie Verzosa officially together

“Yes, we are (a couple).’ Ito ang proud na pag-amin ni Jake Cuenca habang hawak ang kamay ng girlfriend na si Kylie Verzosa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/17/2019 12:31 PM
Jake Cuenca, Kylie Verzosa officially together


Sa Tonight with Boy Abunda, diretsang inamin nina Los Bastardos stars Jake Cuenca at Kylie Verzosa na officially together na sila. “Yes, we are. Oo naman,” ani Jake.

“Hindi pa ba obvious?” tanong naman ni Kylie.

WATCH: Push Evolution: Jake Cuenca and Kylie Verzosa

Nagkuwento rin ang dalawa kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan. Ani Kylie, una niyang nakilala si Jake sa set ng Panday. “Actually, hindi ko siya type nun. He had long hair… kulot,” umpisa ni Kylie.

Noon pa man daw ay gusto na ni Jake ang beauty queen. “Siyempre, ‘pag gusto mo yung tao, medyo natotorpe ka pa. So I didn’t get her number. Sa Instagram, nag-message ako. Tapos wala, hindi pinansin,” kuwento ni Jake.

Ganunpaman, alam daw ni Jake na hindi pa yun ang huling pagkukrus ng landas nila ni Kylie. “I just knew in my heart magkakatrabaho kami. One way or another, we’re going to work. And then when we work together, we’re going to know each other more,” rebelasyon ni Jake.

Tila nagdilang anghel si Jake. Dumating nga ang Los Bastardos kung saan magkatrabaho ang dalawa. At naging magkaibigan pa daw sina Jake at Kylie. “We became friends first. We have a solid foundation of friendship,” sabi ni Jake.

Si Jake diumano ang takbuhan ni Kylie kapag may problema siya. “I was the one opening up to him and I was the one going to him for advice and then he would give me fair advice,” ani Kylie.

Inamin ni Kylie na in a relationship siya noon. Pero nilinaw niya na hindi si Jake ang naging dahilan ng breakup nila ng karelasyon. “No, not at all. It just didn’t work out…” giit ni Kylie.

Perfect timing din daw ang lahat dahil sa nabago na ni Jake ang sarili bago pa sila nagsimulang mag-date ni Kylie. “I had two years to really fix myself… (So) when Kylie and me started dating, the change is already there. But if anything changed now that we’re together, life is better. It’s happier, it’s free flowing,” masayang rebelasyon ni Jake.

“Nothing is forced between the both of us… everything is just natural,” dagdag pa ng aktor.