• Home
  • Fresh Scoops
  • Chie Filomeno, dinepensahan ang nag-viral na performance ng GT: “Those days weren’t our days”

Chie Filomeno, dinepensahan ang nag-viral na performance ng GT: “Those days weren’t our days”

Dinepensahan ng GT member na si Chie Filomeno ang kamakailan na nag-viral na performance ng grupo nila sa It's Showtime.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/17/2019 1:31 PM
Chie Filomeno, dinepensahan ang nag-viral na performance ng GT: “Those days weren’t our days”


"Dedma" na sa mga bashers ang GT member na si Chie Filomeno tungkol sa nag-viral na performance ng grupo niya sa It's Showtime. Sa interview ni Chie para sa PUSH Bets Live, nagbigay siya ng reaksyon tungkol sa naturang isyu.

"Everyday is a new day. Everyday is a challenge. Siguro kasi, those days weren't our days," pahayag ni Chie sa PUSH habang nasa holding area ng 2019 ABS-CBN Ball.

Para sa aktres at performer, hindi naman ito magiging dahilan para tumigil ang GT sa kanilang career.

"It's a matter of -- nangyari 'yon para lang mag-excel pa kami lalo sa ginagawa namin. Hindi dahil nangyari yun ay masa-sad kami like hindi na namin gagawin ang gusto naming gawin, mas ma-e-encourage kaming gawin yung isang bagay nang 100%," paliwanag niya.

"How do I sleep? Nakapikit, at sumisipa, charot," pahabol na biro ni Chie sa PUSH.

Panoorin ang episode ng PUSH Bets Live rito:

Samantala, napagkatuwaan pa ni Chie at ng YouTube na si Mimiyuuuh ang naturang viral performance nila sa isang segment ng Chalk.PH. Ang naturang segment ay trending na rin sa YouTube ngayon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

If all else fails. Ipit is key. 😂

A post shared by CHIE (@chiefilomeno) on

 

READ: Dawn Chang on why she left GT: ‘I am supposed to share my talent and entertain’

READ: Teacher Georcelle on GT’s criticized performance: ‘I think nagkulang lang sa time management’

Maaalalang nitong nakaraang linggo lang din ay naglabas ng kaniyang opinyon ang G-Force founder na si Teacher Goercelle tungkol sa naturang performance ng GT sa isang interview ng ABS-CBN News.