• Home
  • Fresh Scoops
  • Bidding para sa ABS-CBN Ball gown ni Judy Ann Santos, nagsimula na

Bidding para sa ABS-CBN Ball gown ni Judy Ann Santos, nagsimula na

Ipinasubasta ni Judy Ann Santos ang kanyang sinuot na gown sa naganap na ABS-CBN Ball 2019 upang magpaabot ng tulong pinansyal sa programang Bantay Edukasyon ng Bantay Bata 163.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/17/2019 1:52 PM
Bidding para sa ABS-CBN Ball gown ni Judy Ann Santos, nagsimula na


Photo credits to Judy Ann Santos PH

Ipinasubasta ni Judy Ann Santos ang kanyang sinuot na gown sa naganap na ABS-CBN Ball 2019 upang magpaabot ng tulong pinansyal sa programang Bantay Edukasyon ng Bantay Bata 163.

Matapos rumampa sa red carpet, inanunsyo ng beteranang aktres sa Instagram nitong Linggo na ibebenta niya ang kanyang gown, pati na ang kanyang sinuot sa ABS-CBN Ball noong nakaraang taon, upang makatulong sa edukasyon ng mga kabataan sa pakikipag-tulungan ng nasabing foundation.

"I realized, since this is a Bantay Bata Foundation project o charity event, and it's once a year na event na ginagawa ng ABS-CBN, I've decided to auction off this gown for 20,000 pesos. And then the Oscar dela Renta gown na sinuot ko last year, which is emerald green, starting [price] would be 50,000 pesos," aniya.

 

 

Nagsimula ng alas-7 ng gabi, Lunes, ang bidding sa Facebook page ni Judy Ann. Nakatakda itong magsara sa Huwebes.