• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit pinagselosan ni Jake Cuenca at Kylie Verzosa sina Joseph Marco at Ritz Azul?

Bakit pinagselosan ni Jake Cuenca at Kylie Verzosa sina Joseph Marco at Ritz Azul?

Pinaliwanag ni Jake Cuenca at Kylie Verzosa kung bakit pinagselosan nila ang co-stars sa ‘Los Bastardos’ na sina Joseph Marco at Ritz Azul.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/17/2019 12:53 PM
Bakit pinagselosan ni Jake Cuenca at Kylie Verzosa sina Joseph Marco at Ritz Azul?


Photo credit: @josephcmarco and @juancarloscuenca IG

Sa Tonight with Boy Abunda, matapos aminin nina Los Bastardos stars Jake Cuenca at Kylie Verzosa ang kanilang relationship, sinagot naman ng lovebirds kung napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.

“We’re just two adults living our own lives, but we complete each other,” paliwanag ni Kylie.

“We’re taking it a day at a time. Pero for me ang masasabi ko, Tito Boy. For the first time, I can see it in the horizon,” sagot naman ng aktor.

Inamin din ni Jake na “uneasy” siya noon kapag napag-uusapan ang kasal. Pero nag-iba na raw ngayon. “Now with Kylie and where I am in my life, I can definitely see it in the horizon. Parang hindi na siya malayo,” ani Jake.

READ: Jake Cuenca at Kylie Verzosa, nagpakilig sa kanilang first magazine cover

Inamin din ng dalawa na mas seloso si Jake. Diretsa ring inamin ng dalawa kung sino ang mga huling taong pinagselosan nila. Ito ay walang iba kundi ang co-stars nila sa Los Bastardos na sina Joseph Marco at Ritz Azul.

Kuwento ni Jake, nagselos siya noong naging magkaeksena sina Joseph at Kylie. “At first okay lang naman, pero nung nakita ko na magkaeksena sila… Kailangan kong aminin ang nararamdaman ko… Nararamdaman ko in that moment, selos yun,” matapang na pag-amin ng aktor.

Sinabi niya raw ito kay Joseph at nagulat din ito dahil matagal na silang naging magkatrabaho ni Jake. “Nagulat din sya. Kasi kilala niya ako. It never happened before,” kuwento ni Jake. 

Walang kyime rin na inamin ni Kylie kung bakit naman siya nagselos kay Ritz. “They have a movie kasi… Nanuod kasi ako Tito, hindi ako na-inform na ang dami (nilang) eksena,” umpisa ng beauty queen.

“Usually, when I watch Jake’s movie, I get ready for the scenes na I have to see. E hindi ako handa dito. Not naman selos, pero parang I didn’t prepare myself for this. Nagselos ako dun sa movie…” dagdag pang paliwanag ni Kylie.

“Umiinit kasi yung ulo ko when I get jealous,” pag-amin pa ni Kylie.

“’Pag nag-init na ulo niyan, nawawala lahat ng angas ko sa katawan,” natatawang pag-amin naman ni Jake.

Ganunpaman, nilinaw ni Kylie na magkaibigan sila ni Ritz at walang bad blood na namamagitan sa kanila. “Kami ni Ritz, we’re friends,” giit ni Kylie.