• Home
  • Fresh Scoops
  • Ryza Cenon naka-move on na kay Cholo Barretto: ‘Masaya ako para sa kanila’

Ryza Cenon naka-move on na kay Cholo Barretto: ‘Masaya ako para sa kanila’

Ryza Cenon nag-open up tungkol sa breakup nila ng long-time boyfriend na si Cholo Barretto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/16/2019 8:54 AM
Ryza Cenon naka-move on na kay Cholo Barretto: ‘Masaya ako para sa kanila’


Photo Credit: @[email protected] pocholobarretto IG

Tila handa na sa new chapter ng kanyang love life ngayon ang isa sa mga bida ng The Generals Daughter na si Ryza Cenon.

Sa panayam kay Ryza sa naganap na 2019 ABS-CBN ball, isa sa mga naging tanong ng entertainment press ay kung kamusta na ngayon ang estado ng kanyang puso.

“Okay naman po ako,” tugon ni Ryza.

Dito, inamin ni Ryza na tapos na siya sa moving-on stage sa naging hiwalayan nila ng dating nobyo na si Cholo Barretto.

“Tapos na! New journey na, sa new chapter na tayo,” aniya.

Pinilit din na tanungin si Ryza kung kung ano ang kanyang reaksyon sa napabalitang pagmamabutihan ngayon ng dating nobyo sa Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

“Kung ano man ang sa kanila, wala na ako doon, kaya nga break na kami e’ so wala na,” sabi pa ni Ryza.

“Kung doon po sila masaya, masaya ako para sa kanila,” pahayag pa niya.

Pebrero ng taong ito nang kumpirmahin ni Ryza na tinapos na niya ang dalawang taong pinagsamahan nila ni Cholo.