Humakot ng awards ang entry na ‘Lola Igna’ sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
Humakot ng parangal sa naganap na Pista ng Pelikulang Pilipino Gabi ng Parangal, Pagkilala at Pasasalamat ang pelikulang Lola Igna.
Ilan sa mga nakuha ng Lola Igna ang Best Musical Score, Best Screenplay, Best Picture at ang Best Actress para kay Angie Ferro.
Umani din ng pagkilala ang pelikulang LSS (Last Song Syndrome) na nakakuha ng Best Original Song, Best Sound Design awards, Pistapp Audience Choice Award, Special Jury Award at Best Supporting Actress para kay Tuesday Vargas.
Samantala, narito naman ang kumpletong listahan ng mga pinarangalan sa Pista ng Pelikulang Pilipino Gabi ng Parangal, Pagkilala at Pasasalamat.
PistApp Sine Kabataan Audience Choice Award: Chok
PistApp Audience Choice Award: LSS (Last Song Syndrome)
Audience Choice Award: The Panti Sisters
Sine Kabataan Short Film: Kalakalaro
Special Jury Award: LSS (Last Song Syndrome)
Best Sound Design: Aurel Claro Bilbao and Arnel Labayo para saLSS (Last Song Syndrome)
Best Musical Score: Andrew Florentino para sa Lola Igna
Best Original Song: "Araw-Araw" ng Ben&Ben para sa LSS (Last Song Syndrome)
Best Production Design: Marxie Maolen Fadul para sa The Panti Sisters
Best Cinematography: Marcin Szocinski para sa Watch Me Kill
Best Screenplay: Eduardo Roy, Jr. at Margarette Labrador para sa Lola Igna
Best Editing: Colorado Rutledge para sa Watch Me Kill
Best Supporting Actor: Gio Alvarez para sa I'm Ellenya L.
Best Supporting Actress: Tuesday Vargas para sa LSS (Last Song Syndrome)
Best Actor: Martin del Rosario para sa The Panti Sisters
Best Actress: Angie Ferro para sa Lola Igna
Best Director: Tyrone Acierto para sa Watch Me Kill
at Best Picture ang Lola Igna
Tatagal ang mga pelikulang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino hanggang September 19.