• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola, inaming na-challenge sa kaniyang ‘bikini scene’ sa bagong action-drama movie na ‘Mga Mata Sa Dilim’

Jessy Mendiola, inaming na-challenge sa kaniyang ‘bikini scene’ sa bagong action-drama movie na ‘Mga Mata Sa Dilim’

Matapos ang ilang buwang paghihintay, masaya si Jessy Mendiola na sa wakas ay inilabas na ang action-drama movie na Mga Mata Sa Dilim, kung saan ay kasama niya si Derek Ramsey.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/16/2019 9:09 AM
Jessy Mendiola, inaming na-challenge sa kaniyang ‘bikini scene’ sa bagong action-drama movie na ‘Mga Mata Sa Dilim’


Photo Credit: @@senorita_jessy on IG

Inilabas na ng iWant ang inabangang action-drama movie na Mga Mata Sa Dilim, na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Derek Ramsey. Sa interview ng PUSH at Star Studio kay Jessy nitong Huwebes, sinabi ni Jessy na nagpapasalamat siya dahil mapapanood na ang pinaghirapang pelikula.

"I think we started etong project na to, last year ng March, tapos we've finished last year ng October - November. So medyo matagal na siya. And I'm actually really happy na finally ilalabas na siya. Kasi sobrang pinaghirapan namin 'to tapos sayang kung hindi mapapanood," sabi ng aktres.

Kuwento ng aktres, naging pinaka-challenging sa kaniya ang paghahanda ng kaniyang katawan para sa mga eksenang naka-bikini siya.

"Physically, pinaka-preparation ko na lang is nag shed off ako ng konting weight, because mayroon din doong eksena na naka-bikini ako. And I really prepared for that scene. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang hirap no'n," ani ng aktres na nilinaw na naging masaya ang kaniyang buong experience sa pagshu-shoot.

Bilang may genre na action, at co-produced ng ABS-CBN Films arm na CineBro, aabangan din daw kay Jessy ang ilang action scenes niya.

"As we all know naman diba, ang CineBro more of action siya kaya nalinya kami sa ganon. And nakakatuwa kasi hindi lang yung mga lalaki yung mag-a-action dito kahit yung lead girl na si Sui, mag-a-action din siya dito. So yun ang aabangan nila kung paano namin na-execute yung mga action scenes.

"I've been training matagal na sa mixed martial arts or muay thai, kaya pagdating sa mga scene na suntukan... hindi na siya bago sa akin, [pero] bago pa lang na makikita ng mga tao sa akin sa movie," kuwento ng aktres.

Panoorin ang buong trailer dito:

Mapapanood nang libre sa iWant ang Mga Mata Sa Dilim.