• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jane De Leon, ibinahagi ang paghahanda bilang bagong Darna

EXCLUSIVE: Jane De Leon, ibinahagi ang paghahanda bilang bagong Darna

‘I just did my best,’ pahayag ni Jane De Leon tungkol sa kaniyang pagkakapili na gumanap bilang Darna.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/16/2019 3:09 PM
EXCLUSIVE: Jane De Leon, ibinahagi ang paghahanda bilang bagong Darna


Masayang dumalo ang bagong Darna na si Jane De Leon sa 2019 ABS-CBN Ball nitong Sabado, September 14. Sa interview ng PUSH Bets Live, ibinahagi ni Jane ang inspirasyon sa suot na modern Filipiana dress.

"Modern panuelos, super youthful and simple lang talaga siya. Narda (look) muna, next time na si Darna," pahayag ni Jane.

Nang kumustahin ang aktres tungkol sa kaniyang paghahanda para sa inaabangang superheroine role na Darna, "Ngayon nagte-training ako for body muna, assesments. So hindi pa ako nakakapag stunts training," sagot niya.

Pagpapatuloy ni Jane, habang nag-aabang para sa matinding stunts training at workshops, mas inihahanda ni Jane ngayon ang sarili para sa malaking proyekto na ito.

"Hindi naman puro body lang. Yung mind, spirit, emotionally kailangan din 'yon. Nagtatanong din naman ako kay Direk kung may mga kailangan ba akong malaman for this project," paliwanag ng aktres.

Maaalalang nitong July ay inanunsyo ng ABS-CBN Films na si Jane De Leon ang napiling bagong gaganap na Darna, matapos magbukas ng open audition noong April.

"I'll be honest pero hindi ko pa talaga alam. I just did my best, and yun nga happy ako kasi napansin ako ng mga bosses ang may nakita silang potensyal sa akin," dagdag ni 

READ: Jane de Leon, sasabak sa training bilang ‘Darna’

Panoorin ang buong interview dito:

Sa ngayon wala pang date kung kailan nakatakdang ipalabas ang Darna.