Maymay Entrata, rarampa sa 2020 New York Fashion Week?

Isa si Maymay Entrata at Edward Barber sa mga inabangang tandem na rumampa sa naganap na ABS-CBN Ball 2019.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/15/2019 3:58 PM
Maymay Entrata, rarampa sa 2020 New York Fashion Week?


Suot ang Furne One Amato creations, rumampa sa naganap na ABS-CBN Ball 2019 ang Kapamilya stars na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Dito, ibinahagi ni Maymay ang tila naging inspirasyon ng kanilang look, na may kinalaman sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Inspired by Manila Cathedral, na inspire po sila (glam team) sa historical story ng mga Kastila na kung saan mga prominenteng tao daw po ang doon ikinakasal and ngayon sine-celebrate nila ito, parang kami ni Edward, sinecelebrate namin ang samahan namin dito sa showbiz,” kuwento ni Maymay.

At pagdating naman para sa paghahanda para sa kanilang nalalapit na “M.E & U” concert, asahan na daw ang mga pasabog na production numbers na kanilang gagawin ni Edward.

“Siguro, ipapakita namin ang other side namin dit,o na hindi pa namin naipapakita before,” sabi pa ni Maymay.

Dito, binigyang linaw din ng Kapamilya star ang tila muling pagbabalik niya sa fashion scene bilang isang modelo.

READ: Maymay Entrata, nag-audition sa New York Fashion Week

Kamakailan, napabalita ang kanyang naging plano para sa rumampa sa pretihiyosong New York Fashion Week.

“New York Fahsion Week for next year pa po, kasi ngayong February sana, kaso naudlot dahil sa schedule namin, and ngayong September. Wala ako dito, kung andoon ako (NYFW) so ngayon ako nag-audition, sa kanila , so hopefully,” aniya.

At kung ano ang tingin niya sa chance na makasali, sinabi ni Maymay na, “Sabi naman po nang handler ko, mukhang matutuloy na po ako kung sakaling hindi magka-ganun (salungat) ang schedule namin.”

LOOK: Maymay Entrata slays on the runway at Arab Fashion Week 2018

Matatandaan na Nobyembre ng 2018 nang unang sumabak sa modeling si Maymay Entrata para sa prestihiyosong Arab Fashion Week.