• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Christian Bables, nakatakdang tumanggap ng Best Actor Award sa Chicago

EXCLUSIVE: Christian Bables, nakatakdang tumanggap ng Best Actor Award sa Chicago

Nagbigay din ng kani-kaniyang opinyon sina Christian Bables at Martin Del Rosario tungkol sa "typecasting" sa pagganap ng gay roles.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/14/2019 11:32 AM
EXCLUSIVE: Christian Bables, nakatakdang tumanggap ng Best Actor Award sa Chicago


Sa guesting niya sa PUSH Bets Live, inanunsyo ng The Panti Sisters actor na si Christian Bables na nakatakda siyang magpunta sa Chicago para tumanggap ng bagong parangal.

"Ako— hindi naman sa pag-aano, I did Signal Rock, awa ni God, another critically-acclaimed din naman 'yon. And lilipad ako ngayong October sa Chicago, dahil I won Best Actor," masayang pahayag ni Christian habang ipinapaliwanag kung bakit hindi siya natatakot na ma-typecast sa mga gay roles.

"I am not afraid to do roles na mga ganito (gay roles), as long as mayroon siyang puso, at may kaluluwa yung pino-portray ko. Kung eto yung nire-require ng sine why not?" paliwanag ni Christian.

Hindi ito ang unang beses na nakatanggap si Christian ng parangal sa labas ng bansa. Nitong nakaraang taon lang ay pinarangalan din siyang Best Actor mula sa pagganap niya sa Signal Rock sa Vietnam para sa Hanoi International Film Festival.

Sa pelikulang Die Beautiful, kung saan ay gumanap siya bilang Barbs ay tatlong beses din siyang nakatanggap ng Best Supporting Actor Award mula sa Metro Manila Film Festival, Film Academy of the Philippines Luna Awards, at 40th Gawad Urian Awards.

Tingnan: Paolo, Christian, Martin, agaw-eksena sa red carpet ng ‘The Panti Sisters’ premiere

Nagbigay din ng kaniyang opinyon tungkol sa isyu ng typecasting ang co-actor niyang si Martin Del Rosario, na inaming hindi rin siya takot mabansagan dahil sa mga nagawang gay roles.

"Katulad ni Christian hindi ako takot kasi mga Hollywood actors nga marami nang gumagawa niyan e. And nagkakataon lang dito sa Pilipinas kasi mas maraming ma-intriga. Tsaka ako, alangan naman na malimitahan yung craft mo dahil lang sa mga sinasabi ng iba.

"Tsaka kaya nga naging artista di ba, para magampanan mo yung iba't-ibang roles. Atsaka bawat roles naman kahit na parehas na gay role, magkaiba pa rin yan," paliwanag ni Martin.

Samantala, sa parehong interview din ay inalala ni Christian ang hindi inaasahang pagsikat ng tambalang Barry at Ken mula sa nakalipas na teleseryeng Halik. Ayon sa aktor, hindi nila inaasahan na magkakaroon ng following ang mga karakter nila ni Hero Angeles.

"Masaya nagtatawanan lang kami ni Hero, kasi masaya lang talaga sa set. Kagaya ng bawat isa sa amin sa Halik, si Hero napaka giving niya as an actor. So hindi rin siya takot ma-typecast. Hindi rin siya takot mabansagan, kung ano man ang maging opinyon ng mga tao, kasi alam niya na he's doing it for the craft," kuwento ni Christian sa PUSH.

What did Bea Alonzo advise Christian Bables about love?

Panoorin ang two-part episode ng PUSH Bets Live dito:

Mapapanood ang The Panti Sisters sa mga sinehan, bilang kalahok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019.