• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo sa ABS-CBN Ball 2019 red carpet: ‘Ngayon lang ako nag-lakad ulit mag-isa’

Bea Alonzo sa ABS-CBN Ball 2019 red carpet: ‘Ngayon lang ako nag-lakad ulit mag-isa’

Bea Alonzo present sa ABS-CBN Ball 2019 matapos ang kontrobersya sa breakup nila ni Gerald Anderson.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/15/2019 12:41 AM
Bea Alonzo sa ABS-CBN Ball 2019 red carpet: ‘Ngayon lang ako nag-lakad ulit mag-isa’


Solo na rumampa sa naganap na carpet ng 2019 ABS-CBN ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Dito, inamin niya na malaking paninibago ngayon ang rumampa siya ng mag-isa sa red carpet ng taunang Kapamilya event.

“I just realized, after ten years, parang almost ten years, ngayon lang ako nag-lakad ulit mag-isa, and it’s actually empowering, it’s liberating and I’m enjoying it,” ani Bea.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bea Alonzo @beaalonzo at 2019 ABS-CBN ball #abscbnball2019 #beaalonzo

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

At nang kamustahin ang estado ng kanyang puso ngayon “Okay naman,” sagot ng aktres.

Napag-usapan din ang mga inspirational na social media posts ni Bea at aniya, base ito lahat ng kanyang personal na karanasan sa buhay.

At kung kakamustahin ngayon matapos ang naging kontribersyal na hiwalayan nila ng dating nobyo na si Gerald Anderson ayon kay Bea, “I’m recovering, I’m getting better,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, tutok ang aktres sa shooting ng kanyang bagong pelikula kasama sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.