• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ang bagong KimErald’: Kim Molina, nagkuwento tungkol sa five-year relationship niya sa boyfriend na si Jerald Napoles

‘Ang bagong KimErald’: Kim Molina, nagkuwento tungkol sa five-year relationship niya sa boyfriend na si Jerald Napoles

“Going strong, and we’re very happy,” masayang nagkuwento si Kim Molina tungkol sa kung paano sila nagsimula ng kaniyang long-time boyfriend na si Jerald Napoles.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/14/2019 11:44 AM
‘Ang bagong KimErald’: Kim Molina, nagkuwento tungkol sa five-year relationship niya sa boyfriend na si Jerald Napoles


Masayang ni-reveal ni Kim Molina sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, September 14, ang limang taong tagal na ng kanilang relasyon ni Jerald Napoles. Sa naturang guesting ng Kadenang Ginto actress, ikinuwento ni Kim kung saan nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan.

"Nagstart po kami sa Rak of Aegis. Magka-love team po kami sa Rak of Aegis," kuwento ni Kim.

Parehong kasama sa lead cast members sina Kim at Jerald ng sikat na theater musical na Rak Of Aegis. Gumaganap bilang Aileen at Tolits ang dalawa, na nagkataon ay magka-love team din sa nabanggit na musical play.

"Nabangka po ako ni Tolits," biro ni Kim na tinutukoy ang pagiging bangkero ng karakter ni Jerald.

Dagdag na biro rin ni momshie host Melai Cantiveros si Kim at Jerald na rin daw ang bagong KimErald love team.

READ: Kim Molina, sinabing walang selos ang boyfriend na si Jerald Napoles sa mga bed scenes sa ‘MOMOL Nights’

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🐨🖤

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina) on

Sa parehong interview din ng morning talk show, sinagot ni Kim ang mga negatibong komento sa social media na kinukwestiyon ang pagiging totoo ng pagkakaibigan niya sa mga co-actors ng Kadenang Ginto.

"Nalulungkot nga po ako kapag may mga nababasa akong mga comments -- although sinabihan po ako na wag akong magbasa. Nakikita ko sinasabi, 'Huy hindi naman totoo yung friendship niyo'

"[Para sa akin] 'Uy hindi, sobrang legit [namin].' Etong pong sila Adrian (Lindayag), Ate Dimps (Dimples Romana), si Kat (Galang), sobrang babait na tao. Kumbaga sabi nila hindi tayo agad agad makakahanap ng friends na makaka-trabaho mo sa industriya, pero ako I'm happy that I'm blessed na nabiyayaan ako ng mga taong katulad nila," paliwanag ni Kim.

PANOORIN: Kim Molina, bida sa bagong pelikulang Jowable

Gumaganap bilang Savannah si Kim sa seryeng Kadenang Ginto. Bibida rin ang aktres sa bagong pelikula na Jowable, na hango sa trending online series ng Vincentiments.