• Home
  • Fresh Scoops
  • Shooting abroad at Hollywood Stars, aabangan sa ‘Ang Probinsyano’

Shooting abroad at Hollywood Stars, aabangan sa ‘Ang Probinsyano’

Kasabay ng ‘Ang Probinsyano,’ ginagawa na din ng aktor ang kanyang pelikula para sa 2019 Metro Manila Film Festival.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/13/2019 3:59 PM
Shooting abroad at  Hollywood Stars, aabangan sa ‘Ang Probinsyano’


Isa si Coco Martin sa mga nagbigay suporta sa selebrasyon ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino na “Sine Sandaan” nitong Huwebes, Setyembre 12.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sine Sandaan Mabuhay ka!!!😊😊😊

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Sa panayam ng entertainment press kay Coco sa red carpet, naitanong sa Kapamilya star ang mga dapat abangan sa patuloy na pag-palo sa rating ng action series na FPJ's Ang Probinsyano.

Dito, naibunyag ng aktor na patuloy ang pag-iisip nila ng bagong kuwento para ibahagi sa mga sumusubaybay sa kanilang programa, na magdidiwang na ng kanilang ika-apat na anibersaryo.

“Masaya siyempre, ngayon ginagawa namin ‘to talaga para ma-inspire ang mga Pilipino lalo na ang mga manunuod gabi-gabi, para masasaya sila, sana ano, sana... humaba pa,” sabi niya.

Nilinaw din ni Coco ang napabalitang pakikipag-usap ng produksyon ng Ang Probinsyano sa ilang Hollywood stars para maging bahagi ng numero unong Kapamilya series.

“Bakit ang bilis niyo?(laughs) actually ano yan, mahirap magsalita agad-agad kasi mahaba pa ang tatakbuhin (ng kuwento). Kasi halos lahat ata nagawa na po namin,” kwento pa ni Coco.

“Meron na, meron na kaming mga nakakausap, actually meron nang umo-o, pero under negotiation pa po,” aniya.

Asahan na din daw ang paglipad ng programa abroad para mapaganda pa at mapahaba ang programa.

“Mag-shooting po sa abroad kami, tapos dito po,” ani Coco.

Kasabay ng teleserye, kasalukuyan rin ginagawa ni Coco ang isang pelikuka na kanyang pambato sa nalalapit na pagbubukas ng 2019 Metro Manila Film Festival.

“Malapit na pong matapos, tinatapos ko na. Sana ano, ang hinahangad ko, at pinapangarap ko sana po, makapasok ulit sa (MMFF) kasi sabi ko matagal ko nang pangarap ‘yun e’ na makasali every year sa Metro Manila Film Festival."