Momoland, magbabalik Pinas para sa isang benefit concert

Magbabalik sa Pilipinas ang South Korean all girl group na Momoland para sa isang espesyal na concert sa darating na Oktubre 5.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/13/2019 5:33 PM
Momoland, magbabalik Pinas para sa isang benefit concert


Photo credit: @momoland_official on Instagram

Magbabalik sa Pilipinas ang South Korean all girl group na Momoland para sa isang espesyal na concert sa darating na Oktubre 5.

Bilang pasasalamat sa kanilang Filipino fans, ang bahagi ng proceeds ng nasabing show, na pinamagatang Good Friends in Manila ay ilalaan sa mga kabataan ng Barangay San Jose at Calawis sa Antipolo City. Makakatanggap ito ng mga damit at iba pang mga pangangailangan pagkatapos ng concert, sa araw ng Oktubre 25.

Kasamang magpe-perform ng grupo, na sumikat sa kanilang single na Bboom Bboom taong 2018, ang dating miyembro ng boy band na Wanna One na sina Kim Jaehwan at Ha Sungwoon.

Ayon sa MLD Entertainment, ang agency ng Momoland, balak ng grupo na magsagawa ng charity event katulad ng nasabing benefit concert taun-taon.

Gaganapin ang Good Friends in Manila sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.