• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola at Luis Manzano, hindi makakadalo sa ABS-CBN Ball 2019

Jessy Mendiola at Luis Manzano, hindi makakadalo sa ABS-CBN Ball 2019

‘There are things na we have to prioritize pa,’ sagot ni Jessy Mendiola tungkol sa pagpa-plano ng kasal nila ni Luis Manzano.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/13/2019 11:56 AM
Jessy Mendiola at Luis Manzano, hindi makakadalo sa ABS-CBN Ball 2019


Photo Credit: @senorita_jessy on IG

Hindi na muna makakadalo ng ABS-CBN Ball ang Kapamilya couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano, ayon sa kumpirmasyon ng aktres sa interview ng PUSH nitong Huwebes, September 12.

Ayon kay Jessy, naunang na-plano ang isang intimate gathering para sa selebrasyon ng birthday ng ama ni Luis na si Edu Manzano.

"Hindi ako makakasama, kasi birthday ni Tito Edu. Mayroon ata siyang pinaplano na intimate gathering, e sakto nag-fall sa September 14 yung Ball. Kaya hindi na rin makakapunta kami ni Luis. E weird naman kung makakapunta ako tapos hindi ko makakasama si Luis, and birthday ni Tito Edu," paliwanag ng aktres.

Dagdag ng aktres, ito na sana ang pang-apat na Ball event ang dadaluhan nila ni Luis bilang magka-date.

Samantala, nang tanungin naman ang aktres tungkol sa balitang planong kasal nila ni Luis, sinabi nito na hinihintay na lang nila ang perfect timing.

"Actually it’s more of when na lang e, kaysa sa if. Talagang we're planning it naman na talaga. Pero you know, there are things na we have to prioritize pa.

"Si Luis very busy, and ako din, nagsimula na rin akong maging busy ulit, kaya we both believe na perfect timing and we believe in God's timing. So kung kailan siya dumating, gusto namin ready na kami. Kaya now, we're getting ready for it," sagot ni Jessy.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy birthday my love! I prayed to God for you. I asked Him to guide me and help me meet a man who would take care and value me, then he gave me you. You’re everything I hoped for, maybe even more. You healed me in so many ways and gave me love when I thought I could never fall in love again. You taught me to be happy even when I’m constantly judged and misunderstood. You loved me even in my darkest days. My eyes are welling up as I type this birthday message for you because my heart is so happy that I’ve found someone like you. You are a blessing to me and I will forever cherish what God has given us. Thank you for making me feel secure and loved every single day. I love you with all my heart. ❤️

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Kamakailan ay isinelebreyt nila Jessy at Luis ang kanilang third anniversary.

Maaalalang taong 2016 nang naisapubliko ang relasyon nila bilang mag-nobyo.