• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador, ibinahagi ang estado ng kanyang puso ngayon

Janella Salvador, ibinahagi ang estado ng kanyang puso ngayon

Sinagot din ni Janella ang napabalitang pagdalo niya sa kaarawan ni Markus Paterson sa Pangasinan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/13/2019 6:20 PM
Janella Salvador, ibinahagi ang estado ng kanyang puso ngayon


“Masaya.”

Ganito kung ilarawan ng Kapamilya star na si Janella Salvador ang estado ng kanyang puso ngayon.

Kasunod ito ng pagkaka-ugnay ngayon Janella kay Markus Paterson na napapabalitang malapit ngayon sa aktres.

Sa panayam kay Janella sa naganap na thanksgiving mass ng The Killer Bride nitong Huwebes, Setyembre 12, mas pinili ni Janella na ‘wag na magkomento pa sa napabalitang pagdalo niya sa kaarawan ng ina ni Markus sa Pangasinan.

I’d rather not to talk about it, kasi nga ayaw ko gumawa ng statement masyado, so I’d rather keep it low-key kung ano man ‘yun,” aniya.

READ: Are Markus Paterson and Janella Salvador dating?

At kung tatanungin naman kung sino ang kanyang ka date sa nalalapit na ABS-CBN Ball, ayon kay Janella: “I’m solo lang,” pahayag niya.

Abril nitong taon nang nagsimulang mapabalita ang paglabas ni Janella at Markus simula nang magsama sila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong Pebrero.