• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose and Gina Alajar share their Top 5 best actresses in Philippine cinema

Jaclyn Jose and Gina Alajar share their Top 5 best actresses in Philippine cinema

Critically-acclaimed actresses Jaclyn Jose and Gina Alajar reveal who they think are the country’s best actresses.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/13/2019 12:16 PM
Jaclyn Jose and Gina Alajar share their Top 5 best actresses in Philippine cinema


Inspirasyon ng maraming aktres ang narating ng award-winning at beteranang aktres na si Anita Linda. Sa edad na 94, she is the oldest working actress in the film industry.

Bida pa nga si Ms. Anita sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) movie na Circa na idinirek ni Adolf Alix which will be shown on September 13.

Kasama sa pelikulang Circa sina Jaclyn Jose at Gina Alajar—dalawa sa nirerespeto at award-winning actress ng industriya. Kakayanin din ba nilang sundan ang yapak ni Ms. Anita na umaarte pa rin kahit 90-plus na ang edad?

Sagot ni Jaclyn, “Ako, sinabi ko na gusto kong umarte hanggang kaya ko, kasi as you grow older fifty and up, ‘Ay, ang dami pa palang puwedeng gawin ng isang 50 years old na babae.’ Napakarami pa pala at napaka-juicy nung mga characters na puwedeng gampanan.

“Gusto kong maging katulad ni Tita Gloria (Romero), Tita Alice (real name ni Ms. Anita), pero siguro hanggang kaya ko lang, ng katawan ko, at kapag nakita ko na ang respeto ay nandiyan pa.

“Pag nakita ko na nasa isang tabi na lang ako at pinababayaan, wala nang pumapansin at isang matanda ng artista, baka yon, lalayo na lang ako ng bukal sa aking kalooban,” pahayag ng Cannes best actress.

Para naman kay Gina, “Kung bibiyayaan tayo na mabuhay pa hanggang ganun sa edad niya, bakit naman hindi? Kung meron pang memory na pupuwede pang gamitin, bakit naman hindi?

“Pero kung ipinipilit na lang at magiging pabigat ka pa sa production, parang I don’t like it na, yung ganun, di ba?”

Ayaw din daw niya na maging alagain pag tanda niya.

“Even naman hindi sa pag-aartista, even sa buhay lang, I don’t think I want to live beyond. Do’n ako sa ano, mapapakinabangan pa ako or meron pa akong puwedeng gawin.
Ayoko kasing maging alagain.

“Ayoko ng merong nahihirapang ibang tao para lang sa akin, yung ganun. I don’t want to see myself na hindi makapunta ng banyo mag-isa, I don’t like that,” katwiran pa ni Gina.

Samantala, ibinahagi rin nina Jaclyn at Gina kung sino para sa kanila ang Top 5 actresses na kanilang hinahangaan at iniidolo.

Ang Top 5 ni Jaclyn ay sina Mary Walter, Lolita Rodriguez, Anita Linda, Charito Solis, at Mona Lisa.

Pasok naman sa Top 5 ni Gina sina Lolita Rodriguez, Gloria Romero, Gina Pareño, Charito Solis at Rita Gomez.