• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla, hindi raw lilihis sa Filipiniana theme ng ABS-CBN Ball

Daniel Padilla, hindi raw lilihis sa Filipiniana theme ng ABS-CBN Ball

Mga designers, nagbigay ng clue sa isusuot ni Daniel Padilla at Enrique Gil para sa ABS-CBN Ball

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/13/2019 2:41 PM
Daniel Padilla, hindi raw lilihis sa Filipiniana theme ng ABS-CBN Ball


Sa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, natatawang sinabi ni Daniel “DJ” Padilla na hindi siya lilihis sa Filipiniana theme ng ABS-CBN Ball 2019. “Hindi, hindi. Kunwari lang para may element of surprise,” aniya.

 READ: Anne Curtis gets kilig over Kathryn Bernardo’s message for Daniel Padilla

Top secret pa diumano ang overall look ni DJ para sa ball pero gawa ang suot niya sa pinya cocoon. Si Paulo Lazaro rin ang designer ng napiling suotin ni DJ.

Aminado ang designer na may twist ang magiging kasuotan ni DJ. “Nandun yung pagka-modern niya, pero knowing DJ… Nag-usap na kami niyan kung anong magiging design for him,” ani Paulo.

“Actually simple lang naman. Simple lang. Madaling gumalaw. Masarap dahil alam naman natin na maraming sayawan na magaganap dun,” dagdag pa ni Daniel tungkol sa isusuot niya para sa ball.

Makabuluhan din para kay Daniel ang tulong ng ball para Bantay Bata at para sa sining ng disenyo. “Iho-host din natin ang Bantay Bata at maganda ito para sa atin. Maganda para sa mga artista din and maganda na ginawa to ng ABS-CBN,” ayon sa aktor.

Samantala si Randy Ortiz naman ang gagawa ng susuotin ni Enrique “Quen” Gil. Ayon kay Randy, parang black tux ang creation niya for Quen. “Wearing this black barong is just like wearing a black tux,” aniya.