• Home
  • Fresh Scoops
  • Bugoy Drilon, nilinaw ang rumor na hindi siya pinapasok sa dressing room ng boyfriend ni Jessica Sanchez

Bugoy Drilon, nilinaw ang rumor na hindi siya pinapasok sa dressing room ng boyfriend ni Jessica Sanchez

Bugoy Drilon: ‘Ang nagharang po sa akin talaga yung local guard.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/13/2019 1:45 PM
Bugoy Drilon, nilinaw ang rumor na hindi siya pinapasok sa dressing room ng boyfriend ni Jessica Sanchez


Photo Credit: @jessicaesanchez on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ng mga singers na sina Bugoy Drilon at Daryl Ong ang mga maiinit na intriga tungkol sa kanila.

LOOK: Bugoy Drilon and Daryl Ong to relieve 90s classics in upcoming concert

Una na ang intriga na diumano hindi pinapasok ng boyfriend ng singer na si Jessica Sanchez si Bugoy sa shared dressing room nila noong magkaroon sila ng show sa Cebu. “Actually nakapasok naman po ako. Lumabas lang ako kasi pumunta ako ng backstage kasi I was watching the other performer,” kuwento ni Bugoy.

Pero nilinaw niya na hindi ang boyfriend ni Jessica na si Ricky ang humarang sa kanya. “Ang nagharang po sa akin talaga yung local guard,” paglilinaw ni Bugoy.

Ayon sa kwento ni Bugoy ay hindi naging maayos ang attitude sa kanya ng guard. “Sabi ko kuya I know you’re doing your job, but there’s a way to handle this kind of situation. Like kung sasabihin mo sa akin na, ‘Sir, bawal po muna pumasok kasi baka nagbibihis si Jessica.’ I will understand. Kasi kung minsan nga po sa gilid-giid lang ako nagbibihis,” kuwento ng singer.

“I’m really good friends with Ricky and Jessica,” giit pa ni Bugoy.

Ang pangalawang intriga naman ay may kinalaman kay Daryl. Diumano nalamatan ang relationship niya sa kanyang ex-wife nang lantaran niyang suportahan ang girlfriend na si Dea Formilleza nang sumali ito sa Idol Phillippines. “Hindi naman po. Kasi even before pa siya nag-audition sa Idol hindi na rin kami talaga naguusap ng ex wife ko e. I talk directly to my son,” sagot ni Daryl.

READ: Daryl Ong on getting his marriage annulled: ‘I’m free as a bird!’

Sa tanong naman kung alam ng anak niyang si Dwayne ang tungkol sa relationship niya kay Dea, inamin ni Daryl na hindi pa nila ito napag-uusapan ng anak niya. “Hindi ko in-open up pa kay Dwayne but pina-follow niya ako sa Instagram. Nagpo-post naman ako ng pictures namin ni Dea sa Instagram. I assume na baka alam naman niya,” ani Daryl.

Inamin din ng singer na inaantay pa niya ang tamang panahon bago kausapin ang anak. “Siguro aaminin ko rin na takot akong i-open up sa kanya ang topic kasi ayaw ko muna. Gusto ko muna mag-mature pa siya bago ko i-open up,” sabi ng singer.  

Pagdating naman sa love life ni Bugoy, pinaliwanag niya kung bakit two years na siyang single. “I tried dating po. It didn’t work kasi long distance po. Nag-decide po ako na focus po muna ako sa sarili ko and to my career and at the same time I don’t want to dive in a situation na hindi ako ready,” aniya.

READ: This is how Bugoy Drilon gained self-respect through friends Michael Pangilinan and Daryl Ong