Wala na sila: Five celebrity breakups this 2019

Kung marami ang natuwa noong ‘sila na,’ paano na ngayong ‘wala na pala sila?’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/12/2019 3:46 PM
Wala na sila: Five celebrity breakups this 2019


Photo Credit: @juliabarretto @ramonathornes @sueannadoodles @beaalonzo @heavenperalejo on IG

Marami silang pinakilig nang aminin ng mga celebrity couples na ito na ‘sila na.’ Pero marami rin ang nag-react, nasaktan at nakisawsaw sa kontrobersiya matapos ang pag-amin nila na ‘wala na sila.’
 
1.   Joshua Garcia and Julia Barretto
Unang nagpakilig ang JoshLia tandem sa box office hit na Vince and Kath and James noong 2016. Nagsimula naman rumored relationship nila noong 2017. At nitong June 2019 lang, kinumpirma ni Joshua at Julia na balik na lang sila sa pagiging “best friends.”

Marami ang nagtanong kung may kinalaman ang Between Maybes co-star ni Julia na si Gerald Anderson sa hiwalayan nila ni Joshua. Pero pareho namang nag-deny ang JoshLia at sinabi nilang walang namagitang third party sa kanilang breakup.  

READ RELATED ARTICLE: Joshua Garcia and Julia Barretto admit they are back to ‘best friends’ status

2.    Heaven Peralejo and Jimuel Pacquiao
Ayon kay Heaven, nagsimula silang mag-date ni Jimuel noong 2018. One year daw siyang niligawan ng binatang anak ni boxing champ at Senator Manny Pacquiao.

March 2019 nang aminin nila ang kanilang relationship at July 2019 naman nang i-delete ng dalawa ang mga Instagram photos na magkasama sila.

Maraming bumatikos kay Heaven na ginamit lang daw nito si Jimuel, na pinabulaanan naman ni Heaven.

 READ: Heaven Peralejo, sa hiwalayan nila ni Jimuel Pacquiao: ‘It’s time to let go’

3.    Gerald Anderson and Bea Alonzo
Na-rekindle ang Bea-Gerald romance noong 2016 matapos ang pelikula nilang How To Be Yours. Last year naman, umugong din ang balita na nag-break ang dalawa pero kinonfirm ni Bea noong October 2018 na nagkabalikan sila muli ni Gerald at binigyan daw muli niya ng chance ang aktor.

Pero hindi pa pala tapos ang unos ng pagsasama nina Bea-Gerald dahil July lang nitong taon ay naging sentro ng kontrobersiya ang paghihiwalay ng dalawa na ikinadawit pa ng pangalan ni Julia Barretto.

READ:Bea Alonzo unfollows Gerald Anderson, Julia Barretto

4.    Sue Ramirez and Joao Constancia
Inamin ni Sue Ramirez nitong August 2019 sa presscon ng Cuddle Weather na nag-break na sila ni BoybandPH member Joao Constancia. Two years din ang naging relationship ng dalawa.

Ganunpaman, nananatiling magkaibigan ang dalawa at hindi daw isinisara si Sue ang posibilidad na maging sila muli ng binata.

READ: Sue Ramirez explains breakup with Joao Constancia: ‘Sa ngayon po unahin ko na muna ang sarili ko.’

5.    Arci Munoz and Anthony Ng
Kinumpira ni Arci Munoz nitong August 2019 ang paghihiwalay nila ng businessman boyfriend na si Anthony Ng sa presscon ng Pamilya Ko, kung saan isa sa cast si Arci.

2017 nang inamin ni Arci ang relationship niya kay Ng, na ex din ni Kapamilya actress Erich Gonzales. Hindi rin napigilan ni Arci ang pagbuhos ng luha nang muli siyang tanungin ni host Boy Abunda tungkol sa paghihiwalay nila ni Ng.

READ: Arci Muñoz, kinumpirmang hiwalay na sa nobyo