• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Mensahe ni Kier Legaspi sa yumaong ama na si Lito Legaspi

PANOORIN: Mensahe ni Kier Legaspi sa yumaong ama na si Lito Legaspi

Isang maramdaming mensahe ang ibinahagi ni Kier Legaspi para sa kanyang yumaong ama na si Lito Legaspi.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/12/2019 4:45 PM
PANOORIN: Mensahe ni Kier Legaspi sa yumaong ama na si Lito Legaspi


Photo Credit: @kier_legaspi on Instagram


Isang maramdaming mensahe ang ibinahagi ni Kier Legaspi para sa kanyang yumaong ama na si Lito Legaspi.

Nitong Martes, nag-post ang aktor ng isang throwback video bilang pag-alala sa beteranong aktor na sumakabilang buhay nitong Linggo, Setyembre 8, sa edad na 77 dahil sa cardiac arrest.

 

READ: Lito Legaspi dies at 77

"Pa, thank you very much. Alam ko minsan or madalas, hindi tayo nagkakaintindihan. Pero natutuwa ako dahil kahit hindi tayo nagkakaintindihan, mayroong Diyos na pumapagitna sa atin," ani Kier.

"Dahil kung kaunawaan mo Pa, kaunawan ko, pareho tayong tao, hindi tayo perfect. So hindi tayo magkakaintindihan. Pero kung Diyos ang nasa gitna, mangyayari’t mangyayari pag ipinagkaloob niya."

Pinasalamatan din ni Kier ang lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya matapos ang pagkamatay ng ama. 

"It’s all appreciated," aniya.