• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon on Miles Ocampo: ‘Masaya po kami kung ano pong status po namin’

McCoy De Leon on Miles Ocampo: ‘Masaya po kami kung ano pong status po namin’

Hindi mapigilan ni McCoy De Leon ang mga ngiti niya nang tanungin siya tungkol kay Miles Ocampo sa TWBA.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/12/2019 1:45 PM
McCoy De Leon on Miles Ocampo: ‘Masaya po kami kung ano pong status po namin’


Sa Tonight with Boy Abunda, hindi napigilang kiligin si G! star McCoy De Leon nang tanungin siya tungkol kay Miles Ocampo sa segment na Totropahin o Jojowain challenge.

READ: Meet the cast of ‘G!’ the barkada film of Pista ng Pelikulang Pilipino 2019

Ani McCoy, jojowain niya si Miles dahil daw sa ‘iba’ ang dalaga. “Kasi iba siya e. Kumbaga naiintindihan niya ako. Hindi siya parang artista ‘pagka nakakasama ko,” ayon sa aktor.

Sa tanong kung may relasyon si McCoy at Miles, ang sagot ni McCoy ay, “Siguro Tito Boy wala pa.”

Pero paano kaya kung magkakaron ng girlfriend si McCoy ngayon, si Miles na kaya yun? “Kung puwede,” ang nahihiyang sagot ng binata.

Nagbigay rin ng mensahe si McCoy kay Miles. “Kung may problema ka or ‘pag kailangan mo ako, dito lang ako palagi,” ani McCoy.

“Yun lang, ayoko madaliin lahat e. Masaya po kami kung ano pong status po namin,” dagdag pa ni McCoy na hindi maitago ang mga ngiti.

Sinabi rin ni King of Talk Boy Abunda na miss na niya si Miles at inimbita niya ang aktres na dumalaw sa TWBA.

Sinagot rin ni McCoy kung sino kala Kisses Delavin at Janella Salvador ang magiging ka-love team niya. Ayon kay Mccoy, kasama niya ang dalawang aktres sa magkaibang projects. “Kasama ko po sila sa magkaibigan pelikula. Si Janella kasama ko sa The Heiress, kakatapos lang. At si Kisses kasama ko sa D’Ninang pero di pa kami nagsu-shoot. Sana matuloy,” sagot ng aktor.

READ: LOOK: Kisses Delavin surprised by fans on the set of ‘D’Ninang’

READ: Janella Salvador at Maricel Soriano, nagkuwento tungkol sa kanilang bagong pelikula