John Lloyd Cruz, bakit muling nag-viral?

Kahit matagal nang wala sa spotlight ay usap-usapan pa rin ng publiko ang aktor na si John Lloyd Cruz matapos ang kanyang sunud sunod na public appearance nitong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/12/2019 2:22 PM
John Lloyd Cruz, bakit muling nag-viral?

Photo Credit: @johnlloydcruztm on IG

Kahit matagal nang wala sa spotlight ay usap-usapan pa rin ng publiko ang aktor na si John Lloyd Cruz matapos ang kanyang sunud sunod na public appearance nitong taon.

Nito lamang Hulyo nang mapabalita ang posibleng pagbabalik showbiz ni Lloydie matapos siyang mamataan sa Palawan kasama ang love team partner na si Bea Alonzo. Hindi man malinaw kung nag-trabaho o sadyang nag-bonding lang ang dalawa sa isla, marami sa kanilang fan ang nagsabing na-miss nila ang sikat na tandem at umaasang magka-reunion project ang mga ito.

READ: LOOK: More photos of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo from their ‘set’

TIGNAN: John Lloyd Cruz, spotted sa flight

Isang buwan ang nakalipas nang bumungad ang isa pang surpresa sa publiko matapos na kumalat ang ilang retrato ni John Lloyd mula sa di umano'y shooting ng pelikula na kanyang kasalukuyang ginagawa. Maraming fan ang hindi maitago ang kanilang pananabik sa kanyang pagbabalik arte dahil dalawang taon na ang nagdaan mula nang huli itong napanood sa programang 'La Luna Sangre' at pelikulang 'Finally Found Someone'.

READ: LOOK: Is John Lloyd Cruz filming a new movie?

Kamakailan ay muling pinagkaguluhan si John Lloyd nang makita itong namamalengke sa Moalboal Fish and Meat Market sa Cebu.

Dito, maraming fan ang napasaya at humanga sa simple at pribadong pamumuhay ng aktor. Ilan sa kanila ay hindi mapigilang ikumpara si John Lloyd kay Andi Eigenmann na ngayon ay masaya na ring naninirahan sa tahimik na isla ng Siargao kasama ang kanyang pamilya.

"While ang karamihan dito eh dream yumaman eh siya ang dream niya ay simpleng buhay na lang. Kudos to JL for living a simple life now like Andi Eigenmann," ayon sa isang fan. "Nairita na sa buhay showbiz kaya pinili na lang ang tahimik na buhay. Kaya tantanan nyo ng sila at wala silang ginagawang masama sa inyo para laitin nyo sila sa napili nilang buhay at itsura nila ngayon."

TINGNAN: John Lloyd Cruz, spotted na namamalengke sa Cebu

Samantala, nito lamang linggo nang muling pinag-usapan si John Lloyd kasunod ng pagkalat ng ilang retrato mula sa kanyang nature trip sa Cebu. Kuha ang mga nasabing larawan sa Kawasan Falls kung saan enjoy ang aktor na mag-swimming at mag-zipline kasama ang ilang kaibigan.

Ayon sa reaksyon ng kanyang mga tiga-suporta, marami ang natuwa na makita ang aktor na naga-unwind at nasa mabuting kalagayan.

"Ito na pinaka okay na look nya since umalis sya sa showbiz. Maaliwalas na tignan. Siguro palaman pa konti, ok na," ani ng isang user.

"He actually looks happy here. Hope he recharges and finds himself again," sagot naman ng isa.

Tignan ang mga larawan dito:

A post shared by Joseph Allan Aguilar (@sephaguilar) on