• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jessy Mendiola, pinaliwanag kung bakit umalis siya ng Star Magic

EXCLUSIVE: Jessy Mendiola, pinaliwanag kung bakit umalis siya ng Star Magic

Ayon kay Jessy Mendiola may tatlong buwan na simula nang lumipat siya mula sa Star Magic papunta sa parehong management ng long time boyfriend na si Luis Manzano.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/12/2019 7:15 PM
EXCLUSIVE: Jessy Mendiola, pinaliwanag kung bakit umalis siya ng Star Magic


Nilinaw ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola ang kamakailang balita tungkol sa kaniyang paglipat ng management. Sa interview ng PUSH kinumpirma ni Jessy na walang naging problema o sama ng loob ang kaniyang paglipat ng management.

"Yes, I recently left Star Magic to pursue other things. No bad blood naman, no problem, nagpaalam ako ng maayos. Siguro gusto ko lang mag-grow, and a different place.

"Alam naman nila (Star Magic) 'yon, ganon naman sila. Kapag gusto ng artista mag-grow, hahayaan nila. Ako parang I feel like, I have to do this, for me to learn, maging independent and all," pahayag ng aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hi. 💕

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

 

Nitong July mula sa isang interview ng press kay Luis, unang napabalita ang pag-alis ni Jessy sa Star Magic. "I've been with Star Magic for almost 12 years," kwento pa ng aktres.  

Pagpapatuloy niya, may halos apat na buwan na siyang nasa pangangalaga siya ng parehong handler ng kaniyang boyfriend na si Luis Manzano.

"I am under with Miss June Rufino now, handler ni Luis... Nung July [rin]. Recent lang talaga, I think I've been with Tita June, ano pa lang, mga three or four months," sagot ni Jessy sa PUSH.

Sa ilalim ng bagong management, ibinahagi rin ni Jessy na unang beses niyang nakatanggap ng isang role para sa teleserye na pang-kontrabida. 

"Etong Sandugo, I got this nung na kay Tita June na ako. They pitched it to me, and finally napayagan akong magkaroon ng gray character. It's always been a dream of mine to be someone na hindi mabait sa TV," kuwento ni Jessy.

Bukod sa pagtanggap ng bagong roles, aabangan rin kay Jessy ang pagsubok niya sa pagho-host tulad ng kaniyang nobyo. 

READ: Jessy Mendiola: Taking time off from work part of actor’s ‘self-care’

"Soon I'll be pursuing hosting also. Kasi I'm getting tips from Luis. Dati kasi hindi ako comfortable sa public speaking or with engaging with people," dagdag ng aktres.

Mapapanood si Jessy sa bagong digital movie ng iWant na Mga Mata sa Dilim, na mapapanood na ngayong Sept 13. Kasama ni Jessy sa action-drama film sina Derek Ramsay at Joko Diaz, sa direksyon ni Enzo Williams. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Malapit na nating makilala si "Sui" ❤️ Streaming on iWant this September 13! #iWantMgaMataSaDilim #NASAiWantYAN

A post shared by iWant (@iwantofficial) on