• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina, nagsalita na sa pagkahuli kay Deborah Sun sa ipinahiram niyang condo

EXCLUSIVE: Ara Mina, nagsalita na sa pagkahuli kay Deborah Sun sa ipinahiram niyang condo

Matagal nang tinutulungan ni Ara Mina si Deborah Sun na nakatira sa condo kasama ang mga anak at apo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/12/2019 10:55 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina, nagsalita na sa pagkahuli kay Deborah Sun sa ipinahiram niyang condo


Photo Credit: @therealaramina on IG

Sa isinagawang buy-bust operation ng magkasanib na puwersa ng PNP at PDEA ay naaresto ang dating aktres na si Deborah Sun sa condo unit (New York Mansion) na tinirhan nito sa Quezon City. Ang condo ay pagmamay-ari ng aktres na si Ara Mina.

Matagal-tagal na ring namamalagi si Deborah, ang anak niya at mga apo sa naturang condo unit na boluntaryong ipinahiram muna sa kanila ng aktres bilang tulong.

“Nagulat ako when I found out. Madaming tumawag sa akin nung monday. Pero so far wala naman akong nababalitaan ng ganon kay Tita Debs simula nung tumira sya sa condo ko,” reaksyon ni Ara sa ipinadalang text message sa PUSH sa pagkakaaresto kay Deborah.

Kahit daw kanya ang condo unit ay never naman siyang umaakyat dito simula nung pinatira niya si Deborah.

“Never akong umakyat don simula nung tumira sya don. anggang sa baba lang ako pag may inaabot akong tulong sa kanya or inuutos ko pag need na nila talaga kasi nagtetext naman siya sakin pag walang wala talaga sila.

“Pero bihira ako magbigay ng cash sa kanya. If may cash naman, maliit na amount lang, pangbaon ng anak niya sa school at pamasahe, the rest grocery pa minsan minsan lang,” dagdag na mensahe pa ng aktres sa amin.

Nalulungkot si Ara sa nangyari kay Deborah na ayon sa kanya ay posibleng naimpluwensiyahan daw ng iba.

“Well, iniisip ko baka may nag-influence ulit kay tita. Nakakagigil lang ang mga nag-iimpluwensya,” himutok pa niya.

“Bakit di nila hayaang magbago ang tao. Kung gusto nila sirain ang buhay nila, sila na lang,” sabi ulit niya.

May mensahe rin ang aktres kay Deborah.

Ani Ara, “Kay Tita Debs naman, sana wag na sya bumalik. Kakalungkot lang na nasangkot siya
sa ganyan ulit.”

Galit ba siya sa dating aktres?

“Honestly di ako galit kay Tita Debs, naaawa lang ako pati sa family niya,” sagot ni Ara. “Kasi di na din siya nabibigyan ng project kaya hirap na hirap siya sa buhay ngayon. Kung kaya ko lang tulungan lahat at kung sobrang yaman ko binigyan ko na sila ng pangkabuhayan.

“Dati gusto niya mag-waitress sa akin, kaso nahihiya naman ako pagtrabahuhin pa siya, para daw makabayad daw siya sa pagpapatira ko sa kanila.

“In fairness kay Tita Debs, di naman siya abusado sa akin, lagi pa nga siya nagpapadala sa akin ng mga verses at words of wisdom pati sa mommy ko,” lahad pa niya.

May balak ba siyang paalisin si Deborah sa kanyang condo unit pagkatapos ng mga nangyari?

Sagot ni Ara, “Wala naman akong planong paalisin sila sa condo. Kasi naisip ko, eh, di lalo ko silang nilugmok or pinahirapan. Siyempre may apo at mga anak pa siyang nasa condo,” huling mensahe niya sa PUSH.