Ben Wintle, pressured na nga ba magka-baby kay Iza Calzado?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/12/2019 12:44 PM
Ben Wintle, pressured na nga ba magka-baby kay Iza Calzado?


Photo Credit: @benmwintle on IG

“Baby coming up next,” para sa mister ni Iza Calzado na si Ben Wintle.

Ito ang naging pahayag ni Ben sa panayam sa kanya sa naganap na LeGarde Health and Wellness Expo kung saan isa siya sa mga fitness ambassador.

Aniya, hindi raw sila affected ni Iza sa mga comments at pangungulit ng mga netizen na excited na magka-baby na sila.

“There’s no pressure. We’re doing one already,” sabi pa ni Ben.

Dito, hindi din itinanggi ni Ben na may showbiz offer sa kanya ngayon, pero ayon sa kanya, hindi ito ang kanyang direction sa buhay ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hey @missizacalzado you look great in this photo. Sending you my ❤️. Credit to @isabelledaza for the photo

A post shared by Ben Wintle (@benmwintle) on

“No, never. (why?) We have a prospering business, Booky, and it takes ample of my time.”

May kanya-kanya man na tinututukan sa buhay, ipinagmalaki din ni Ben na pitong-taon na silang nagmamahalan ni Iza at hindi ito kumukupas.

“If it’s a friend, I’ll tell them what our timing is. If it’s people I don’t know, it’s our business. Iza and I have been together for seven years not much has changed,” pahayag pa niya.

Disyembre 2018 nang ikasal sina Iza at Ben na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan sa isang beach resort.