• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Barcelo, naging emosyonal nang alalahanin ang namayapang ama

Roxanne Barcelo, naging emosyonal nang alalahanin ang namayapang ama

“Lahat ng heartbreak ko in my past, parang bale wala nung namatayan ako ng ama,’ emosyonal na inalala ni Roxanne Barcelo ang ama.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/11/2019 12:29 PM
Roxanne Barcelo, naging emosyonal nang alalahanin ang namayapang ama


Photo credit: @roxannebarcelo IG

Hindi na napigilang maluha ng sexy actress na si Roxanne Barcelo nang alalahanin ang kamakailan lang na namayapang ama, sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, September 10. Naging topic sa morning talk show ang pagmu-move on mula sa heartbreak, kaya't ikinuwento ni Roxanne kung paano nakatulong ang kaniyang mga magulang sa mga panahong ito sa buhay niya.

"Napakalaking tulong talaga na naging very close talaga ako sa mga nanay at tatay ko. Ang tatay ko most especially, he really goes through the process with me. Hindi ako nahihiyang tumawag sa tatay ko, minu-minuto tuwing kailangan ko ng advice, and he would ask me the best questions," kuwento ni Roxanne.

Nitong June 2019 nagpunta si Roxanne sa kanilang tahanan sa US matapos mabalitaan ang aksidenteng sinapit ng ama, na kalaunan ay tuluyan na ring binawian ng buhay.

"It's been over 60 days since nung namatay ang tatay ko pero nagpapasalamat talaga ako sa kaniya. Kasi ginawa talaga niya ang lahat para tulungan ako na ma-heal kada-heartbreak," emosyonal na pahayag ni Roxanne.

"Lahat ng heartbreak ko in my past, parang bale wala nung namatayan ako ng ama. Doon ko na talaga nasabi sa sarili ko. Wala nang mas masakit pa," dagdag ni Roxanne na nagpaiyak na rin sa mga momshie hosts.

https://push.abs-cbn.com/2019/7/2/fresh-scoops/roxanne-barcelo-namaalam-na-sa-kanyang-ama-211021

https://push.abs-cbn.com/2019/5/9/fresh-scoops/roxanne-barcelo-on-dealing-with-quarter-life-crisi-207978

Matapos ang pinagdaanan sa pagkawala ng ama, sabik na ang aktres na ilaan ang mga natutunan para sa susunod niyang makakarelasyon. "Sabi ko nga sa kapatid ko, 'Hindi tayo yung anak na hindi minahal, tayo yung anak na binigay ang lahat sa atin. So ngayon, hindi ko na naiisip yung heartbreak sa jowa.

"Ang iniisip ko yung kung paano mag-heal from this. Excited na excited ako sa pagmamahal na ibibigay ko sa 'the one', and I have faith," pagpapatuloy ni Roxanne.

Maaalalang huling naka-relasyon ni Roxanne ang dating co-housemate sa Pinoy Big Brother na si Wil Devaughn, sa loob nang apat na taon. January 2018, nang ikinumpirma ni Roxanne ang hiwalayan nila, habang tikom sa naging dahilan ng breakup.