JC Santos, inaming masaya ang kaniyang love life ngayon

Masaya ang love life ngayon ng aktor na si JC Santos sa kaniyang non-showbiz chef girlfriend.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/11/2019 12:37 PM
JC Santos, inaming masaya ang kaniyang love life ngayon


Kinumpirma ni JC Santos ang masayang estado ng kaniyang love life sa kaniyang pagbisita sa Magandang Buhay nitong Martes, September 10. Nagbahagi ang aktor ng ilang detalye tungkol sa kaniyang chef na nobya.

"Nakilala ko siya 16 years ago, high school mate ko siya sa Pampanga," matipid na kuwento ni JC tungkol sa kaniyang girlfriend.

Pagpapatuloy ng aktor, nagsimula ang relasyon nila ng kaniyang girlfriend noong nagkita muli sila sa restaurant na pagmamay-ari mismo ng babae.

READ: JC Santos says being a ‘hubadero’ onstage helped how he manages his intimate scenes

READ ALSO: ‘Nagulat rin ako’: JC Santos sa kissing scene nila ni Ina Raymundo

Samantala, sa parehong episode ng morning talk show, sinabi rin ni JC kung paano ang proseso niya ng pag-mu-move on mula sa mga past relationship, bilang kasalukuyang nasa moving on stage ang kaibigan at co-star niyang si Arci Muñoz sa Open.

"Bini-busy ko lang yung sarili ko. Ganun lang, kelangan ko lang ng outlet," sagot ni JC.

Bida si JC sa pelikulang Open, na mapapanood na sa September 13 at kalahok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019.

READ: JC Santos shoots new movie in Slovenia

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#MotelAcacia #JanBijvoet 📸 @visconnection

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

 

Bukod dito, aabangan din ang aktor sa isang international movie na Motel Acacia, kung saan ay makakasama niya ang ilang foreign actors at si Agot Isidro. Sa ngayon, wala pang date kung kailan ito maipapalabas.