• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating ‘PBB’ housemate na si Kaori Oinuma, bida sa ‘Parasite Island’

Dating ‘PBB’ housemate na si Kaori Oinuma, bida sa ‘Parasite Island’

Malaki ang pasasalamat ng dating Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Kaori Oinuma matapos na mapabilang sa cast ng pinakabagong programa ng ABS-CBN at Dreamscape na Parasite Island.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/11/2019 2:30 PM
Dating ‘PBB’ housemate na si Kaori Oinuma, bida sa ‘Parasite Island’


Malaki ang pasasalamat ng dating Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Kaori Oinuma matapos na mapabilang sa cast ng pinakabagong programa ng ABS-CBN at Dreamscape na Parasite Island.

Ito ang unang pagkakataon na mapapanood ang half-Pinay, half-Japanese star bilang isang aktres kasunod ng kanyang pagkapanalo bilang 8th Big Placer sa nasabing sikat na reality show.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

very grateful for this life that God has given me 🙏🏻✨💚

A post shared by Kaori Oinuma (@kaori_oinuma) on

 

Sa ginanap na press conference ng Parasite Island nitong Lunes, parehas na pinasalamatan ni Kaori ang kanyang home network at mga kasama sa nasabing programa para sa kanyang kauna-unahang acting project.

"Siyempre po bilang ito 'yung first time ko sa pag-acting, sobrang thankful po ako sa Dreamscape at sa ABS-CBN kasi nabigyan po ako ng opportunity na matupad ko 'yung pangarap ko," ani Kaori.

"And 'yung mga nakakasama ko rin po dito, sobrang thankful din po ako sa kanila kasi gina-guide nila ako," dagdag pa niya.

Ginagampanan ni Kaori ang love interest ng karakter ni Paulo Angeles na si Lia.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@kaori_oinuma @mpauloangeles for #ParasiteIslandMediacon #ParasiteIsland

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

 

"Noong unang kita ko sa kanya (Paulo) hindi ko alam kung paano ako mag-a-approach, so 'hello po, hello po.' Pero habang tumatagal, habang kasama ko siya, kapag may scene po, okay po. Naga-guide niya rin po ako, nagpapatulong rin po ako para mas gumaling din ang pag-arte ko," aniya.

Kasama ni Kaori at Paulo sa programa sina Desiree del Valle, Bernard Palanca, Rafael Rosell, Ria Atayde, Bianca Manalo, at Michael Flores.

Setyembre 8 nang ipalabas ang pilot episode ng Parasite Island na mapapanood tuwing Linggo pagkatapos ng Rated K.