• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin at Neil Arce, dumalo sa premiere night ng ‘Ellenya L.’

Angel Locsin at Neil Arce, dumalo sa premiere night ng ‘Ellenya L.’

Upang magbigay ng suporta sa I’m Ellenya L. ay dumalo sa red carpet premiere ng pelikula ang magkasintahang sina Angel Locsin at Neil Arce.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/11/2019 5:56 PM
Angel Locsin at Neil Arce, dumalo sa premiere night ng ‘Ellenya L.’


Present ang buong cast ng I’m Ellenya L. na sina Maris Racal, Iñigo Pascual, at Pat Sugui sa red carpet premiere ng pelikula nitong Martes, Setyembre 10.

Nandoon din upang magbigay ng suporta ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan mula sa showbiz, kabilang na ang magkasintahang sina Angel Locsin at Neil Arce.

Ang N2 (squared) Productions na pag-aari ni Neil ang nag-produce ng I’m Ellenya L. Dinirek naman ito ni Boy 2 Quizon.

Maliban kay Angel at Neil ay dumalo rin ang ama ni Inigo na si Piolo Pascual, Michael V., Paulo Avelino, Loisa Andalio, Jane Oineza, Kit Thompson, Erik Santos, at Darren Espanto sa nasabing premiere.

Isa ang I’m Ellenya L. sa mga opisyal na entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin mula Setyembre 13 hanggang 19.