What did Bea Alonzo advise Christian Bables about love?

May payo si Bea Alonzo kay Christian Bables pagdating sa pag-ibig. Alamin kung ano ito.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/10/2019 2:16 PM
What did Bea Alonzo advise Christian Bables about love?


Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni The Panti Sisters star Christian Bables kung bakit tinanggap niya ang gay role matapos niyang sabihin na hindi muna siya tatanggap ng mga ganito. Ani Christian, iba naman daw ang ‘hindi muna’ sa ‘hindi na.’ “So I guess this is the right time for me to accept these kinds of roles again... This is the right time,” aniya.

WATCH: Paolo Ballesteros, Christian Bables, Martin del Rosario bring laughter in ‘The Panti Sisters’ official trailer

Kinuwento rin ni Christian ang naging pag-uusap nila ni Bea Alonzo, na makakasama niya sa isang upcoming Kapamilya teleserye. Natuwa diumano si Christian dahil si Bea pa mismo ang lumapit sa kanya. “Ako po very mahiyain akong tao e. Hindi ako mag-i-initiate ng talk kapag hindi ko ka-close yung tao or hindi pa kami magkaibigan. Pero babati ako,” ani Christian.

“Siya yung nag-initiate nung pag-uusap para magkakilala kami so nakakatuwa si Ms. Bea,” dagdag ni Christian.

Ayon pa kay Christian, marami silang napagusapan ng aktres. “Napag-usapan namin about life. Kung saan ako nagsimula. Siya din nagkuwento siya about sa struggles niya as an actress. Pinayuhan niya ako sa family and love,” sabi ng aktor.

Ito daw ang payo ni Bea kay Christian pag dating sa pamilya. “Pagdating sa pamilya, wag kong kakalimutan yung family ko kasi yun yung core ko e,” kuwento ni Christian.

Ano naman kaya ang payo ni Bea kay Christian pagdating sa love? “Sinabi niya na magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo,” sagot ng binata.

Inamin din ni Christian na matapos ang three years na walang karelasyon ay in a relationship na siya ngayon. Kababata daw niya ang karelasyon at hindi daw ito artista. “Yes, finally, after three years. Kababata ko, non-showbiz… Taga-Cavite,” pag-amin ni Christian.

“Kami na nito bata pa lang kami. Tapos dahil sa sobrang ka-busyhan nawala, tapos ngayon balik ulit nagkaron ng second chance,” rebelasyon pa ni Christian.

READ: Christian Bables explains why he enjoys his gay character in ‘The Panti Sisters’