Seth Fedelin, natupad na ang kanyang pangarap

Pangarap lamang noon ni Seth Fedelin na magkaroon ng Christmas tree.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/10/2019 11:27 AM
Seth Fedelin, natupad na ang kanyang pangarap


Photo credit: @imsethfedelin IG

Isa na namang pangarap ni Seth Fedelin ang natupad ngayong taon at ito ay magkaroon ng isang Christmas tree tuwing Pasko. 

“Dati pangarap ko lang na magkaroon ng ganitong Christmas tree. Sana maging masaya tayong lahat ngayong darating na kapaskuhan,” ani Seth na nag-picture kasama ang isang malaking Christmas tree.

 

 

Marami naman ang naantig sa kanyang simpleng pangarap at umani kaagad ang kanyang post ng mahigit 160,000 likes.

Kamakailan lamang ay nabilhan din niya ng motorsiklo ang kanyang ama.

READ: Seth Fedelin surprises his dad with a brand new motorcycle

Matapos lumabas sa Pinoy Big Brother Otso, kaagad na nabuksan ang pinto ng showbiz sa kanya. Kabilang na ngayon si Seth sa teleseryeng Kadenang Ginto at bida rin sa pelikulang Abandoned kasama si Beauty Gonzalez.