Pinay queens rumampa sa New York Fashion Week

Angat ang ganda ng Pilipina sa New York

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/10/2019 1:57 PM
Pinay queens rumampa sa New York Fashion Week


Photo credit: @tugononjanine, @catriona_gray and @piawurtzbach IG

Stand out ang ganda ng Pilipinas sa prestihiyosong New York Fashion Week.

Ilan sa mga Pinay Miss Universe ang naimbitahan ng ilang designer na maging bahagi ng taunang Fashion Week.

Kabilang sa Pinay Miss Universe ay si 2012 Miss Universe first runner up Janine Tugonon na rumampa para sa American designer na Sherri Hill.

 

 

Bukod kay Tugonon, bahagi din si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na rumampa para kay Albert Andrada.

Hindi ito ang unang beses na naging bahagi ang former Miss Universe ng New York Fashion Week.

 

 

Matatandaan na si Andrada ang nagdisenyo ng winning gown ni Pia noong lumaban siya sa Miss Universe taong 2015

 

 

Samanatala, inaasahan naman ang pagrampa sa runway ng New York Fashion Week ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray na todo suporta para sa kanyang mga Beauty Queen sisters.