• Home
  • Fresh Scoops
  • 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados, tutok ngayon sa Q and A training

2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados, tutok ngayon sa Q and A training

Isang Charity day kamakailan ang pinangunahan ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/10/2019 12:40 PM
2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados, tutok ngayon sa Q and A training


Photo credit: @gazinii IG

Isang Charity day kamakailan ang pinangunahan ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados.

 

 

 

Dito, naibahagi ng Miss Universe PH na malaking oras ng kanyang training ay nakalaan sa question and answer portion na isa sa kanyang pinaghahandaan.

“Q and A is doing great. I’ve been training and updating myself in current events everyday,” sabi pa ni Gazini.

Bukod sa pangangalaga sa mga nakatatanda na kanyang pangunahing adbokasiya, ang pagkupkop sa mga aso at pusa ang isa din sa malapit sa puso ngayon ng beauty queen.

“Whenever I see pets in general, my heart just melts in an instant. I’m an animal lover and it just goes right in the snap of a finger and I pet them all the time” sabi pa niya.

At kung sakaling dito gaganapin sa bansa ang Miss Universe pageant, hindi ito kinatatakutan ng ating Miss Universe bet.

“I guess what I’m  most happy about if it’s being held in the Philippines is we can showcase more how the Philippines is a paradise as they say its more fun in the Philippines, so why not?”

Sa kasalukuyan, wala pang official announcement kung saan ang venue ng 2019 Miss Universe edition na labis na hinhintay ngayon ng pageant fans.