• Home
  • Fresh Scoops
  • JM de Guzman, ipinagdiwang ang kaarawan sa set ng ‘Pamilya Ko’

JM de Guzman, ipinagdiwang ang kaarawan sa set ng ‘Pamilya Ko’

Busy man sa trabaho ay nagkaroon pa rin ng pagkakataon si JM de Guzman na ipagdiwang ang kanyang ika-31 na kaarawan nitong Linggo, Setyembre 9.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/10/2019 3:06 PM
JM de Guzman, ipinagdiwang ang kaarawan sa set ng ‘Pamilya Ko’


Photo credit: @sheilaanne.rph IG

Busy man sa trabaho ay nagkaroon pa rin ng pagkakataon si JM de Guzman na ipagdiwang ang kanyang ika-31 na kaarawan nitong Linggo, Setyembre 9.

Sa taping ng Pamilya Ko sa Marikina nitong weekend, sinorpresa ang aktor ng kanyang mga kapwa star, partikular na ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez, ng maliit na salo-salo sa set matapos ang kanilang advanced screening ng pilot episode ng nasabing teleserye. 

Maging ang anak ni Sylvia at napapabalitang nobya di umano ni JM na si Ria Atayde ay dumalo rin sa selebrasyon, ayon sa report ng ABS-CBN News ngayong Martes.

Samantala, present din ang aunt ni JM na si Maricel De Guzman-Polintan, isang dentist, at pinsang si Cameron na nagdala rin ng cake at pizza sa set. Hindi naman pinalagpas ng kanyang mga fans na personal na batiin ang kanilang idol sa pamamagitan ng pagdalo sa taping bitbit ang sarili nilang mga handa.

Tignan ang highlight ng masayang selebrasyon ni JM sa set ng Pamilya Ko rito: