Isang engrandeng selebrasyon ngayon ang pinaghandaan ng Jukebox Queen na si Imelda Papin.
Sa Instagram post ng anak ng Jukebox Queen na si Maffi Papin, ibinahagi nito ang poster kasama ang mga magiging bahagi ng 45th Anniversary na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Dito, bahagi ng 45th year anniversary ni Imelda ang malalapit na kaibigan gaya nina Pilita Corrales, Victor Wood, April Boy Regino, Andrew E, Sonny Parsons ng Hagibis at kapwa Jukebox Divas na sina Eva Eugenio at Claire Dela Fuente.
Sa darating na Oktubre 26, gaganapin ang anniversary concert ng Jukebox Queen na Imelda Papin Queen @45.