• Home
  • Fresh Scoops
  • FDCP at ABS-CBN, sanib pwersa para sa 100-taon ng pelikulang Pilipino

FDCP at ABS-CBN, sanib pwersa para sa 100-taon ng pelikulang Pilipino

Sanib pwersa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ABS-CBN para sa isang historic na pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine Cinema.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/10/2019 12:45 PM
FDCP at ABS-CBN, sanib pwersa para sa 100-taon ng pelikulang Pilipino


Sanib pwersa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ABS-CBN para sa isang historic na pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine Cinema.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

‪FDCP partners with ABS-CBN for the celebration of the 100 years of Philippine Cinema. #SineSandaan‬

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

 

Sa pangunguna ng Kapamilya executives Chief Operating Officer Cory Vidanes at Managing Director ng Star Cinema Olivia Lamasan pinirmahan ang memorandum of agreement kasama si FDCP chairperson Liza Diño para sa makulay na selebrayon ng Pelikulang Pilipino.

“We’re officially celebrating the 100 years of Philippine cinema starting Sept. 12, 2019 and we’re very lucky we have ABS-CBN to really fully realize this vision of not just celebrating it for the industry but talagang sa buong sambayanang Pilipino,” sabi pa ng FDCP chairperson.

Labis na galak naman ang ipinaabot ng Kapamilya executives para sa naging tiwala ng Film Development Council of the Philippines.

“Tuwang tuwa din kami because they chose us as their media partner and it’s an honor for us to be their partner for the 100-year celebration of Philippine cinema,” tugon ni ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes.

“We are really honored and privileged to support FDCP para sa lahat ng kanilang endeavors para dito sa Sandaan,” pahayag ni Star Cinema Managing Director Olivia Lamasan.

Inaasahan na magiging engrande at makahulugan ang seleberasyon na magsisimula sa September 12 sa New Frontier Theater na “Sine Sandaan” na magbigay saludo sa movie icons na nagbigay ng malaking ambag sa pelikulang Pilipino.