Dani Barretto, naki-simpatya sa pagkamatay ni Lito Legaspi

Isa si Dani Barretto sa mga naki-simpatya sa pagkamatay ng kanyang lolo na si Lito Legaspi.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/10/2019 10:56 AM
Dani Barretto, naki-simpatya sa pagkamatay ni Lito Legaspi


Photo credit: @danibarretto IG

Isa si Dani Barretto sa mga naki-simpatya sa pagkamatay ng kanyang lolo na si Lito Legaspi. 

Anak ng yumaong beteranong aktor si Kier Legaspi na siyang ama ni Dani. 

Sa Instagram Stories nitong Lunes, nagbahagi ang lifestyle vlogger ng lumang retrato niya kasama ang kanyang lolo na at sinabing: “RIP POPSKIE”.

Linggo ng umaga nang sumakabilang buhay si Lito matapos na isugod sa Cardinal Santos Memorial Medical Center dahil sa cardiac arrest. 

READ: Lito Legaspi dies at 77

Pumanaw ang dating matinee idol sa edad na 77.