• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler, pinabulaanan ang tsismis na balik-rehab siya kaya madalang makita sa Ang Probinsyano

Baron Geisler, pinabulaanan ang tsismis na balik-rehab siya kaya madalang makita sa Ang Probinsyano

Nagkwento rin si Baron Geisler tungkol sa pagparangal sa kanya ng honorary title ng “Datu.”

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/10/2019 6:58 PM
Baron Geisler, pinabulaanan ang tsismis na balik-rehab siya kaya madalang makita sa Ang Probinsyano


Photo credit: @baron.geisler IG

“Not true! Fake news!”

Ito ang sagot ng Ang Probinsyano star na si Baron Geisler sa tanong ng press sa kanya kung may katotohanan ang mga naglalabasang tsismis na balik-rehab siya at mawawala na sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin. 

Nagsimula lang sa blind item tungkol sa di umano’y pagbabalik sa rehab ng isang aktor na si Baron daw ang tinutukoy hanggang sa pangalanan na ito ng ilang entertainment scribes. 

“Wag na. No comment na ako sa isyung yan kasi lalaki lang po,” dagdag niyang reaksyon. “Just keep them wondering, as long as we know I’m still in Probinsyano, nothing to worry. I’m doing well. Okey na po 'yon. Less chika, more on showing. Kita naman po sa posts natin po everyday na lumabas ako sa Probinsyano. Nakikita naman nila ako everyday sa show,” giit pa niya. 

Naibalita rin ni Baron sa amin na kikilalanin na rin siya bilang isang “Datu” at ginanap nga ang seremonya ngayon Martes, Sept. 10. “Sa Tuesday morning bibigyan ako ng honorary title as Datu ni Raja Mamay and Queen Hellen. Magiging ambassador of peace po ako so we can enter Mindanao to do good deeds for our brothers and sisters sa Mindanao. When this comes out, burado na ang bad publicity na kumakalat sa akin,” lahad pa ng magaling na aktor.