Baby number 4 nasa plano pa ba ni Aubrey Miles?

Tutok ngayon sa kanyang fitness routine si Aubrey Miles para sa kanyang upcoming movie projects.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/10/2019 2:07 PM
Baby number 4 nasa plano pa ba ni Aubrey Miles?


Achievement para sa TV personality na si Aubrey Miles ang panatilihin na sexy ang kanyang katawan.

Kaya naman kahit na bagong panganak, hindi pa din nagbago ang sexy physique ni Aubrey na ineenjoy ngayon ang kanyang pagiging full time mommy.

 

 

“Hindi naman, I really lived fitness, just being healthy and active,” aniya sa panayam ng PUSH sa naganap na LeGarde health and wellness expo kung saan isa siya sa mga fitness advocate.

Dito nagbigay update din si Aubrey sa bagong development ng kanyang eight-month-old baby na si Rocket.

 

 

“Okay naman, eight months na siya. Every month excited ako kasi talagang natutukan ko ang development niya, More look alike ni Troy, pero ang attitude niya, just being a baby pa kasi e’ pero very attached siya sa akin,” proud na kuwento ni Aubrey.

Kuwento pa ng TV personality, attached sa kanya ang kanyang baby.

“Surprisingly kasi ang two boys ko kay Troy malapit. So this one, she knows na pareho kami girly, parang super gusto niya ako katabi. Different, different vibe pag babae,” aniya.

At kung tatanungin naman kung nasa plano pa ba nila ni Troy ang panibagong baby, ang sagot niya ay, “Hindi na. Okay na ako (laughs) hopefully pero okay na ako two boys and one girl, perfect!”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ROCKET MILLER (@rocketmiller01) on

 

Sa ngayon, abala si Aubrey sa shoot ng isang pelikula na posibleng maging bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.