• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz matapos ang break up: ‘I learned to value myself’

Arci Muñoz matapos ang break up: ‘I learned to value myself’

Arci Muñoz, ikinuwento ang mga natutunan matapos ang break-up, ilang buwan na ang nakakaraan.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/10/2019 2:56 PM
Arci Muñoz matapos ang break up: ‘I learned to value myself’


Naging bukas ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz tungkol sa kaniyang pagmu-move on, matapos ang hiwalayan sa non-showbiz boyfriend na si Anthony Ng. Sa kaniyang interview sa Magandang Buhay nitong Martes, September 10, ibinahagi ng aktres ang mga natutunan sa huling relasyon.

"More than anything, kaysa sa regrets siguro, lesson learned. I learned to value myself," pahayag ni Arci nang tanungin kung may pagsisisi ba siya.

"I know to myself na I'm kinda weird, I'm different, pero kahit na kunwari hindi ka tanggap ng tao, para sa akin, kailangan mo talagang matutong mahalin muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng iba," pagpapatuloy ni Arci.

Nitong Agosto 30 unang inamin ni Arci ang hiwalayan nila ni Anthony, sa interview ng press. Pinili ni Arci na hindi na ibahagi ang dahilan ng kanilang break up.

Dagdag pa ng aktres, may isang shooting day para sa pelikulang Open kung saan ay napansin ng co-actor niyang si JC Santos at direktor na si Andoy Ranay ang pinagdadaanan noon. Isang araw bago ang nasabing shooting day daw ay nagkaroon siya ng matinding away sa kaniyang ex-boyfriend.

"Siguro na-feel din niya na may something," pagtutukoy ni Arci kay JC.

READ: Arci Muñoz, emosyonal na ipinaliwanag ang isa niyang Instagram post tungkol sa kaniyang love life

READ: Arci Muñoz, kinumpirmang hiwalay na sa nobyo

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Red is the color of ________ #makeupbythornes 💄 💃 @parisroxas 💇 @jocelynjustiniane

A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on

 

Bida sina Arci at JC sa pelikulang Open, isa sa mga entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Sa direksyon ni Andoy Ranay, ang Open ay tungkol sa open relationship. Mapapanood ito simula September 13.