Alex Gonzaga, nilinaw na hindi sumingit sa pila sa airport

Isang netizen ang nagsabing sumingit sa immigration line si Alex Gonzaga.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/10/2019 12:00 PM
Alex Gonzaga, nilinaw na hindi sumingit sa pila sa airport


Photo credit: @cathygonzaga IG

Muling naging topic sa social media ang pagsingit umano ni Alex Gonzaga sa pila sa airport ngunit mariin naman itong tinanggi ng TV host-actress at ibinahagi ang kanyang bersyon ng kuwento nang sagutin ang netizen sa Twitter.

Naunang sinabi ni Alex na nata-traffic na sila at hinahabol ang flight papuntang Japan ngunit hindi na nila naabutan ang kanilang original flight at kinailangan na niyang bumili ng bagong plane tickets.

 

 

 

Isang netizen naman ang nag-share ng post kung saan sinabi ng isang babae sa Facebook na sumingit sa pila ang Home Sweetie Home star.

Nilinaw naman niyang hindi sila sumingit at may nagbukas lamang na bagong counter. Kasama din nito ang kanyang magulang na parehong senior citizen.

“Fyi: nagbukas ng new counter yung immigration, my mom and dad (senior citizens) were invited to form a new line, we thought she was with the elders in front of us coz sila na ang queue. Nagpaalam pa kami pumayag sila. Mommy ko ang nauna bigla nIya sinabi sya daw dapat, we let her. 

“When we were lining up fyi may new tickets na kami. Delayed pa new flight namin 3PM so why would we be in a hurry? 11am kami dumating. You weren’t there kaya wag ka magsalita as if alam mo. Kasama ko senior citizens, di kami pa-entitled. Nung nagsabi ‘friend’ mo pinauna namin sya,” aniya.

 

 

 

“I wish I could talk to the lady who was in front of us in the immigration. She knew what happened. My mom was very polite and even asked her if she could go through the other counter. When she was about to cross the yellow lane the lady cut my mom and said siya dapat,” paliwanag ni Alex.

Sa huli ay hindi na nagpaapekto si Alex.

“My mom let her pass. There was no issue. Nakakalungkot kailangan nya palakihin. Anyway, I said my piece. Off to positivity and enjoy my trip.”

 

 

 

Nasa Tokyo, Japan naman ngayon si Alex para sa YouTube Creator Summit 2019. Isa si Alex sa may pinakamaraming YouTube subscribers at isa sa mga kilalang local vloggers.