• Home
  • Fresh Scoops
  • “Wag mo lang siyang sasaktan”: McCoy De Leon kay Jameson Blake nang magpaalam itong ligawan ang ex-girlfriend na si Elisse Joson

“Wag mo lang siyang sasaktan”: McCoy De Leon kay Jameson Blake nang magpaalam itong ligawan ang ex-girlfriend na si Elisse Joson

Naging bukas sina McCoy De Leon at Jameson Blake sa isyu ng panliligaw ng huli sa ex girlfriend ni McCoy na si Elisse Joson.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/1/2019 2:25 PM
“Wag mo lang siyang sasaktan”: McCoy De Leon kay Jameson Blake nang magpaalam itong ligawan ang ex-girlfriend na si Elisse Joson


Naging makabuluhan ang usapan sa episode ng Magandang Buhay nitong Biyernes, August 30 kasama ang mga cast members ng pelikulang G! at teleseryeng Pamilya Ko. Sa naturang episode ay naging isa sa mga topic ng mga guest actors at momshie hosts ay ang kilalang 'Bro Code' na pag-babawal na ligawan ang ex-girlfriend ng kaibigan.

Dulot nito, nagkaroon ng pagkakataon na magkuwento sina MccCoy De Leon at Jameson Blake tungkol sa kanilang sitwasyon, kung saan ay humingi ng pasintabi si Jameson kay McCoy sa plano niyang panliligaw sa ex girlfriend nitong si Elisse Joson. 

"May iba't-ibang factors like yung breakup kung masama, if it was really a bad breakup, kung how long din ever since. Understanding lang, communication lang, that's why kailangang mag-usap din. Hindi basta basta na kung ano gusto mong gawin, gagawin mo," paliwanag ni Jameson.

Aminado si McCoy na nahirapan siya na tanggapin sa una ang balak na panliligaw ni Jameson kay Elisse. "Sa una, aaminin ko mahirap pala. Pero kailangan mong i-accept yung ganon e na hindi mo mababago yung isang tao [kung] nagmamahalan sila," paliwanag niya.

"Ang sabi ko lang sa kaniya, ‘oh sige basta alagaan mo na lang ha, wag mo siyang sasaktan.’ Hindi ko alam kung bakit ganon ang nasabi ko. Okay lang sa akin wala naman [problema]," dagdag pa ni McCoy.

Maaalalang nitong January isina-publiko nina Mccoy at Elisse ang nangyaring hindi pagkakaunawan at tuluyang paghihiwalay nila. Tatlong buwan ang lumipas, una namang napabalitang "getting-to-know" stage na di umano sina Jameson at Elisse. 

READ: McCoy De Leon and Elisse Joson are ‘ex-lovers’ but not friends

READ ALSO: Nililigawan na nga ba ni Jameson Blake si Elisse Joson?

Ayon sa kuwento ni McCoy at Jameson, sa isang party una nilang napag-usapan ang planong panliligaw ng huli kay Elisse. "Random question lang, like kung okay lang sa kaniya if ever sa future mag-date kami ni Elisse. Tapos ganon lang, hindi naman ako nagpaalam literally," kuwento ni Jameson. 

Sa ngayon, nananatiling masaya sina McCoy at Jameson sa kanilang pagkakaibigan. 

"Naging masaya ako, kasi yung kaibigan ko (Jameson) tumaas ang respeto ko sa kaniya. Yung isang move na ganon, malaking bagay sa akin," pahabol na pahayag ni McCoy.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Love o Tropa? Mark: Tropa 🤗 Jameson: Tropa 🙌 McCoy: Love ❤ #GTropaMovie

A post shared by G! (@gtropamovie) on

 

Bida ang dalawa sa pelikulang G! na isa sa mga entries sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019. Mapapanood ito simula September 13.