• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez sa pagbabalik showbiz ni Ellen Adarna: ‘I’m happy for her’

Beauty Gonzalez sa pagbabalik showbiz ni Ellen Adarna: ‘I’m happy for her’

Ayon kay Beauty Gonzalez, endorsements lang at hindi mga acting gigs ang maaaring balikan ni Ellen Adarna matapos itong magpahinga nang mahigit dalawang taon.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/1/2019 2:14 PM
Beauty Gonzalez sa pagbabalik showbiz ni Ellen Adarna: ‘I’m happy for her’


Photo credit: @prettylooksph IG

Matapos ang bakasyon kasama ang isa sa mga matalik niyang kaibigan sa showbiz na si Ellen Adarna, handa na raw muli si Beauty Gonzalez sa mga trabahong naka-line up para sa kaniya. Ayon sa Kadenang Ginto actress na nagpunta sa Bangkok, Thailand, mahalaga ang oras para sa sarili, lalo na sa trabaho niya bilang artista. 

"Parang kailangan naman talaga as an actor, kailangan mo ng konting panahon para sa sarili mo kasi minsan nadadala ka sa character mo, minsan feeling mo inaapi ka na rin sa totoong buhay. Lalo na if it’s everyday that you're doing it," pahayag ni Beauty sa press sa special screening ng bagong digital movie na Abandoned.

"Pareho kaming dalawa, umikot talaga ng 360 yung buhay namin. Siyempre iba na talaga kapag may anak ka, hindi ka na pwedeng pa-happy happy na lang," pagkukuwento ni Beauty nang kumustahin ang buhay nila ni Ellen Adarna bilang ina. 

Hindi man nakasama sa nasabing bakasyon ang mga partner nila na sina Norman Crisologo at John Lloyd Cruz, ay kasama naman ng dalawa ang kani-kaniyang mga anak na sina Olivia at Elias. 

LOOK: Beauty Gonzalez uploads vacation photo with Ellen Adarna

Nang tinanong naman si Beauty tungkol sa balitang pagbabalik ni Ellen sa showbiz, sinabi niyang masaya siya para sa kaibigan dahil matagal na rin niyang hinihintay ito. 

"I mean I've been waiting for it and sana bumalik siya. It's up to her naman e kung babalik siya o hindi. Pero I think she's open lang for endorsements ganon, hindi na siguro yung acting-acting kasi she's really full time mom right now," sabi ni Beauty. 

READ: Ellen Adarna gets a “mommy makeover”

Tikom naman si Beauty sa usap-usapang hiwalayan diumano ni Ellen at partner niyang si John Lloyd. Ayon sa kaniya, hindi niya alam ang eksaktong sitwasyon ng relasyon ng dalawa ngayon.

"Hindi ko alam ang pinagdadaanan nila kasi nung nando'n kami sa Bangkok, wala akong yaya, so wala kaming time mag-chikahan kasi ako nag aalaga sa anak ko... Hindi ko alam kung ano talaga ang sitwasyon nila e," kuwento niya. 

Kasabay ng pagbabalik ni Ellen, ay inaasahan din ng mga fans ang pagbabalik ng partner nitong si John Lloyd Cruz. 

READ: Is John Lloyd Cruz filming a new movie?

READ ALSO: John Lloyd Cruz promises to make comeback film with Cathy-Garcia Molina

Bida si Beauty sa bagong horror movie ng Abandoned ng iWant. Mapapanood ito ng libre sa iWant app.