• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez, nag-react sa pagkakamali ni Cong. Alfred Vargas sa kanyang ‘No Homework on weekend bill’

Aiko Melendez, nag-react sa pagkakamali ni Cong. Alfred Vargas sa kanyang ‘No Homework on weekend bill’

Sana daw ay pag-aralan mabuti ng mga mambabatas ang mga pinapasang house bill bago ito pirmahan ayon kay Aiko Melendez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/1/2019 11:35 AM
Aiko Melendez, nag-react sa pagkakamali ni Cong. Alfred Vargas sa kanyang ‘No Homework on weekend bill’


Photo credit: @alfredvargasofficial and @aikomelendez IG

‘No homework bill’ ni Cong. Alfred Vargas inalmahan ni Aiko Melendez at ng mga teachers. Umalma ang publiko lalo na ang mga teachers sa panukalang batas ni Congressman Alfred Vargas ng 2nd District ng Quezon City na tinawag na “no homework on weekend bill.”

Layunin ng panukalang batas na huwag bigyan ng assignments o homework ang mga elementary at high school students para mas mabigyan sila ng panahon na makasama ang kanilang pamilya during weekends.

Hindi nagustuhan ng mga guro ang isang clause na nasa panukalang batas kung saan nakasaad na kung sino man ang gurong lalabag dito (meaning, magbibigay pa rin ng homework) ay pagmumultahin ng P50,000 at papatawan ng dalawang taong pagkakakulong.

Ayon sa mga guro, hindi raw ito makatarungan.

Kaagad namang nag-isyu ng official statement ang opisina ng actor-politician tungkol dito kasabay na rin ng paghingi ng paumanhin.

Aniya, “Humihingi ako ng paumanhin sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga guro na naapektuhan ng pagkakamali ng aking opisina. Hindi po sinasadyang naisingit ang penal clause para sa ating mga mag-aaral na NO HOMEWORK ON WEEKENDS bill.

“Ito po ay isang technical error at iwinawasto na po ng ating opisina. Kung inyo pong susuriin, mapapansin na may dalawang Section 4 na nakasama sa panukalang batas.

“Ito po ang pagkakamaling nagawa. Tama po kayo, hindi ito isang krimen na kailangan ng kaparusahan. Tayo po ay gumagawa na ng hakbang upang iwasto ang naturang pagkakamali.”

Bukod sa mga teachers na nag-react, nagbigay din ng kanyang saloobin ang aktres na si Aiko Melendez sa kanyang Facebook account sa naging pagkakamali ng opisina ni Cong. Alfred.

Ani Aiko, “Nagkamali daw pala ang opisina ni Cong Vargas. My take on this, oo walang perpekto sa mundo. Pero ang pagkakamali sa isang batas na nais mo ipasa para sa bayan ay hindi biro.

“At naawa ako na ang mga guro natin na halos kakarampot na nga ang sweldo meron pa na multa na 50k.

“Ako po ay me kapatid na guro. Bagamat guro sya sa International School at medyo nakaka angat ang sweldo sa mga guro sa public schools, Hindi pa din tama na sila ang magdusa at magmulta.

“Ngayon babawiin, nagkamali ang opisina. Cong Alfred, sana sa susunod bago pumirma ng batas idouble check naman kasi buhay naming mga tax payers at mga ordinaryong mamayan ang maapektuhan.

“May this be the last bill na magkakamali ang opisina mo. #justsaying.”