TIGNAN: John Lloyd Cruz, spotted sa flight

Spotted muli ang aktor na si John Lloyd Cruz matapos huling namataan kasama ang on-screen partner na si Bea Alonzo sa Palawan nitong Hunyo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/9/2019 1:44 PM
TIGNAN: John Lloyd Cruz, spotted sa flight


Photo Credit: @mychosdotcom on IG

Spotted muli ang aktor na si John Lloyd Cruz matapos huling namataan kasama ang on-screen partner na si Bea Alonzo sa Palawan nitong Hunyo.

Sa retratong kumakalat sa Instagram nitong Biyernes, sinasabing nakuhanan ang Kapamilya homegrown artist sa isang flight mula Palawan pabalik ng Maynila nitong linggo lamang.

Kapansin pansin naman na mag-isa lang ang aktor sa nasabing flight.

Mahigit isang taon mula nang mag-indefinite leave of absence sa showbiz, usap usapan ang inaabangang pagbabalik ni John Lloyd matapos mamataan kasama si Bea sa El Nido para sa sinasabing "secret" project. Sa dating panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng aktres na isang surpresa ang naghihintay para sa kanilang fans. "I was happy to see him. We had a good time there, we were with friends also. But I can’t disclose what it’s for, yet! Pero, ano ‘yan, surprise!"

Bukod pa rito ay aabangan din ng fans ang posibleng bagong proyekto ni John Lloyd kasama ang direktor na si Cathy Garcia-Molina, na nakatrabaho niya noon sa sikat na mga pelikulang "One More Chance" at "A Second Chance".

Huling napanood si John Lloyd sa situational comedy show na "Home Sweetie Home", kung saan sila nagkakilala ng aktres na si Ellen Adarna. Ngayon ay may isa na silang anak na nagngangalang Elias Modesto.