Pokwang, nanatiling positibo para sa kanyang ina

2016 ng kumprimahin ni Pokwang na mayroong Alzheimer’s Disease ang kanyang ina.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/9/2019 12:36 PM
Pokwang, nanatiling positibo para sa kanyang ina


Photo Credit: itspokwang27 on IG

Nanatiling matatag ay positibo ang Kapamilya comedienne na si Pokwang para sa kanyang ina na si nanay Gloria.

Matatandaan na 2016, kinompirma ni Pokwang na mayroong Alzheimer’s Disease o ang sakit na unti-unti ng pagkalimot ang kanyang ina.

Kuwento ni Pokwang nanatili ang kanyang lakas para sa hinaharap na karamdaman ng ina.

 “Oo 'di ba 'yung sitwasyon niya, parang ang hirap kasi na... Inalagaan niya tayo, kami tayong mga nanay natin, inalagaan tayo. Siyempre, this is the time naman to give back,” kuwento Pokwang sa panayam.

“Pag nanay ang usapan, hindi ko kaya,” naiiyak na pahayag ni Pokwang.

"Si Nanay okay naman, okay ang Mother, okay ang mother, lumalaban although syempre, hindi mo na nakakausap ng gaya ng ganyan, kasi lagi nalang siya malayo ang tingin niya kumbaga, tapos 'yung pagkain niya maingat kami, kasi ibe-blender mo talaga kasi konting ano na choke siya e.”

“Bumabalik siya sa pagka-baby, parang ganun," patuloy pa ni Pokwang.

Ayon pa sa Kapamilya star, sa kanyang pamilya niya siya kumukuha ng lakas ng loob para sa kabila ng pinagdadaan ng kanyang ina.

“Sa mga anak ko siyempre, mga kaibigan ko na nakasuporta, sa mga kapatid ko, sa family wala ka naman ng ibang kakapitan talaga,” pahayag pa ni Pokwang.